Full text
ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025 Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) Bilang Prediktor sa Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral sa Antas ng Sekundarya Klen Karol Degamo Abstract. Isinagawa ang pag-aaral na ito upang suriin ang makabuluhang impluwensya ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental. Ang mga kalahok ay binubuo ng 333 mag-aaral sa sekundarya na sumagot sa inangkop na talatanungan na sumasaklaw sa kasanayan sa paggamit ng AI at kritikal na pag-iisip. Ang mga natuklasan ay nagpapakita na ang kasanayan sa paggamit ng AI ng mga mag-aaral ay karaniwang nasa mataas na antas, partikular sa interaktibong pagkatuto. Gayunpaman, ang kasanayan sa pag-angkop sa teknolohiya ay nagpapakita ng pinakamababang antas. Ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral ay nasa mataas na antas, na nagpapakita ng kanilang kakayahang magsuri, mangatwiran, maglutas ng suliranin, at magtasa. Kabilang sa mga domeyn, ang kasanayan sa pagsusuri ay pinaka-evidente, habang ang kakayahang magtasa ay nagpapakita ng pinakamababang antas. Natuklasan din na may makabuluhang positibong ugnayan sa pagitan ng kabuuang kasanayan sa paggamit ng AI at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Ang interaktibong pagkatuto gamit ang AI ay may pinakamalakas na ugnayan sa kritikal na pag-iisip, na nagpapakita na ang aktibong pakikilahok sa AI ay mahalaga sa pagpapalakas ng analytical skills ng mga mag-aaral. KEY WORDS 1. Artificial Intelligence (AI) 2. kritikal na pag-iisip 3. interaktibong pagkatuto 4. pagsusuri 5. sekundarya Date Received: August 15, 2025 — Date Reviewed: September 20, 2025 — Date Published: October 10, 2025 1. Introduction Naniniwala ang pag-aaral na ito na mahalagang suriin kung paano maaaring maimpluwensiyahan ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Maraming pananaliksik ang nagsasabing may benepisyo ang kaalaman sa AI upang mapalakas ang kakayahang maganalisa at magpasya. Gayunman, napapansin na hindi lahat ng mag-aaral ay nagtataglay ng sapat na antas ng mapanuring pag-iisip, lalo na sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya. Dulot nito, nagiging hamon para sa mga paaralan kung paano nila mapapaunlad nang sabay ang kasanayan sa AI at malalim na kritikal na pagiisip. Sa huli, umiiral ang suliraning dapat pagtuunan: ang kawalan ng malinaw na ugnayan sa pagitan ng paggamit ng AI at paglinang ng mas masusing pag-iisip ng mga mag-aaral. Sa Estados Unidos, nahaharap ang mga mag-aaral sa mga negatibong isyu na pumipigil sa pag-
NIJSE (2025) - unlad ng kanilang kritikal na pag-iisip. Ayon kina Jimenez et al. (2021), ang hindi sapat na integrasyon ng Artipisyal na Intelihensiya (AI) sa kurikulum ay nagreresulta sa mababang antas ng pagsusuri at pag-aanalisa ng mga mag-aaral. Bukod dito, si Kuhn (2019) ay nagtukoy ng mga hadlang sa diskurso ng kritikal na pag-iisip na nagiging sanhi ng kakulangan sa epektibong komunikasyon at kolaborasyon sa mga klase, na mahalaga para sa mas mataas na antas ng pagkatuto. Ang mga isyung ito ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mas sistematikong paggamit ng AI upang mapalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri at pagaanalisa. Sa United Kingdom, ang mga magaaral, lalo na ang mga banyagang estudyante, ay nahaharap din sa mga hamon sa pagbuo ng kritikal na pag-iisip. Ayon kina Samanhudi at Linse (2019), ang mga mag-aaral na Indonesian sa UK ay nahihirapan sa academic writing dahil sa mga pagkakaibang pangkultura at wika, na nagreresulta sa mababang antas ng kritikal na pag-iisip. Sinabi ni Kuhn (2019) na ang mga mag-aaral ay maaaring hindi sapat na nasasanay sa paggamit ng AI bilang kasangkapan sa pagkatuto, na nagpapahina sa kanilang kakayahang mag-isip nang malalim at mapanuri. Ang mga hamong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutok sa pagsasanay at suporta upang mas mapabuti ang integrasyon ng AI sa pagtuturo. Sa rehiyon ng Asya, partikular sa East Asian na mga bansa, ang mga magaaral ay nahaharap sa mga negatibong isyu na nakakaapekto sa kanilang kritikal na pag-iisip. Ayon kina Moosavi (2020), ang orientalismo at kolonyal na pananaw ay naglilimita sa kalayaan ng pag-iisip at kritikal na pagsusuri ng mga magaaral sa East Asia. Bukod dito, sina Wang at Wu (2023) ay nagtukoy ng mga isyu ng adaptasyon versus pag-aangkop sa kritikal na edukasyon, na nagdudulot ng kahinaan sa paggamit ng AI para sa mas malalim na pag-iisip at pagsusuri. Ang mga isyung ito ay nagpapakita ng pangangailangan para sa pagbabago sa mga estratehiya ng pagtuturo upang mas mapalawak ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa rehiyong ito. Sa Pilipinas, nakikita rin ang mga isyung nagiging hadlang sa pag-unlad ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa sekundarya. Ayon kina Lapuz at Fulgencio (2020), ang paggamit ng problembased learning ay may mga hamon tulad ng kakulangan sa sapat na pagsasanay ng mga guro at limitadong access sa mga makabagong teknolohiya tulad ng AI. Dahil dito, nahihirapan ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan nang epektibo sa mga aktibidad na nangangailangan ng malalim na pagsusuri at analisis, na nagreresulta sa mababang antas ng kritikal na pag-iisip. Ang mga hamong ito ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mas sistematikong pagsasanay at suporta sa paggamit ng AI upang mas mapabuti ang kritikal na pag-iisip ng mga magaaral. Sa rehiyon ng Davao, partikular sa Davao Central District, nakikita rin ang mga negatibong isyu na nakaaapekto sa kritikal na pagiisip ng mga mag-aaral. Ayon kina Matangcoy (2024), ang student-centric pedagogy ay may mga limitasyon tulad ng hindi sapat na suporta at resources para sa mga mag-aaral na nagnanais na paunlarin ang kanilang analytical thinking. Samantala, sina Concon (2024) ay nag-ulat na ang paggamit ng internet ay nagdudulot ng distractions at kawalan ng motibasyon sa mga magaaral, na direktang nakakaapekto sa kanilang kakayahan na mag-isip nang kritikal at magsuri ng impormasyon. Ang mga isyung ito ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mas sistematikong pagsasanay at suporta sa paggamit ng AI upang mapabuti ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa Davao. Sa Davao Oriental, itinatayang mahigit 60 % ng mga magaaral ang nakararanas ng kahinaan sa mapanuring pag-aaral, lalo na sa mga asignaturang nangangailangan ng mas malalim na analisis. Ito ay nagpahihiwatig na hindi lahat ng paaralan ay may sapat na suportang pang-akademiko at pasilidad. Dahil dito, nananatiling hamon para sa mga guro kung paano pasiglahin ang 2ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - kritikal na pag-iisip gamit ang limitadong mapagkukunan. Bagaman may mga inisyatibong pinansyal at teknikal na ipinakilala, hindi pa rin ito nakasasapat upang makabuo ng pangmatagalang solusyon. Samakatuwid, malinaw na kinakailangan ng mas masusing programa at pagtutulungan upang matugunan ang lumalalang suliranin sa kritikal na pag-iisip ng mga magaaral sa Davao Oriental. Samantala, napansin ng ilang saliksik na ang kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ay may potensiyal na mapalalim ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Gayunman, kakaunti pa rin ang empirikal na ebidensiya na tuwirang nagpapakita kung paano talaga nakakaugnay ang dalawang aspekto na ito sa konteksto ng pang-araw-araw na karanasan ng mga mag-aaral. Bukod dito, kapansin-pansing kulang pa ang pag-aaral na isinasagawa sa antas ng sekundarya, lalo na sa Distrito ng San Isidro South sa Davao del Norte, kung saan mayroon ding natatanging pangangailangan sa pagpapalakas ng mapanuring kakayahan ng mga mag-aaral. Sa ganitong kalagayan, malinaw na umiiral ang isang puwang sa kaalaman na kailangang punan upang maintindihan nang mas malalim ang kongkretong relasyon ng AI at kritikal na pag-iisip. Dagdag pa rito, mabuting bigyang-diin ang kahalagahan ng katibayan na masusukat sa pamamagitan ng mga tiyak na paraang pang-estadistika. Higit pa rito, mahalagang bigyan ng pansin ang lokal na antas dahil magkaiba-iba ang konteksto at likas na kapaligiran ng mga paaralan. Makakatulong ito upang matukoy kung nararapat bang lumikha ng mga programa o pagsasanay na naaangkop sa pangangailangan ng mga magaaral at guro sa lugar na ito. Sa pamamagitan ng kuwalipikadong ebidensiya, mas magiging malinaw kung anong tiyak na istratehiya ang dapat ipatupad para mapahusay ang kasanayan sa AI nang hindi napapabayaan ang paglinang ng kritikal na pag-iisip. Kung mabuong malinaw ang ugnayang ito, mas maraming konkretong rekomendasyon ang maibibigay sa mga namamahala at guro sa Distrito ng San Isidro South. Sa gayon, matatapatan ang agarang pangangailangang sukatin at tugunan ang puwang na ito sa pananaliksik at praktikal na aplikasyon. 1.1. Kaugnay na Pag-aaral at Panitikan— 1.1.1. Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI)—Ang kasanayan ng mga mag-aaral sa AI ay tumutukoy sa kakayahang gamitin ang AI upang mapahusay ang pagkatuto, magkaroon ng interaktibong karanasan, at makamit ang mas mataas na akademikong pagganap. Ipinakita nina Ahmadi Fatalaki et al. (2024), Schmidt Strasser (2022), at Yu Nazir (2021) na ang AI ay nagbibigay ng mas mabilis na interaksiyon, personalized learning, at mas mahusay na pagproseso ng impormasyon. Ayon kina Pikhart (2020) at Bonner et al. (2023), ang intelligent processing at LLMbased tools ay tumutulong sa mas malalim na pag-unawa at aktibong pakikilahok. Ipinakita rin nina Sumakul et al. (2022) na ang AI ay maaaring maging kapaki-pakinabang o mapanlinlang depende sa paraan ng paggamit ng mag-aaral. Sa iba pang pag-aaral (Wei, 2023; Wang, 2022; Gayed et al., 2022; Kim, 2019), napatunayan na ang AI-assisted learning ay nagpapahusay sa pagsusulat, gramatika, at selfdirected learning sa pamamagitan ng instant feedback at guided learning. Patuloy na binibigyang-diin ng mga pagaaral (Arini et al., 2022; Sharadgah Sa’di, 2022; Spector Ma, 2019) ang positibong epekto ng AI sa analytical skills, interaksyon, at pagkatuto—basta’t maingat na ginagamit. Gayunpaman, may paalala sina C¸ ela et al. (2024) tungkol sa panganib ng labis na pagasa sa AI na maaaring magpahina sa sariling kakayahang mag-analisa. Sa kabuuan, napatutunayan ng iba’t ibang pananaliksik (Zou et al., 2024; Mejia Sargent, 2023; Fabio et al., 2024; Obiwuru, 2024; Ilgun Dibek et al., 2024; Shen Teng, 2024) na ang AI ay may malaking ambag sa interaktibong pagkatuto, pagbuo ng argumento, malalim na 3ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - pagsusuri, at kritikal na pag-iisip ng mag-aaral. 1.1.2. Pag-angkop sa Teknolohiya—Ang kakayahang umangkop sa AI ay mahalaga sa modernong pag-aaral. Ipinakita nina Pokrivcakova (2019), Huang et al. (2023), at Zhai et al. (2021) na ang AI ay nagbibigay ng personalized tasks at tumutulong sa pag-unawa sa educational trends. Gayunpaman, binigyang-diin nina Owoc et al. (2019) ang pangangailangan ng sapat na training at tech infrastructure. Sa mas mataas na edukasyon, nakita nina Oca ˜ naFern ´ andez et al. (2019) na ang AI integration ay nagpapalalim sa pag-unawa ng mag-aaral at pagharap sa mas komplikadong problema. 1.1.3. Interaktibong Pagkatuto—Ang AI ay nagtataguyod ng aktibong pakikilahok sa pag-aaral. Ipinakita nina Kuddus (2022) at Fitria (2021) na ang AI tools ay nagpapataas ng engagement at participation. Ang bagong learning models gamit ang AI (Luo Cheng, 2020) ay nagbubukas ng dinamiko at responsive learning environments. Ang pag-aaral nina Haristiani (2019) at Hou (2020) ay nagpatunay na ang AI chatbots at EdTech integration ay nagbibigay ng mas malawak na oportunidad sa praktis at kolaboratibong pagkatuto. 1.1.4. Personalisasyon—Ang AIpersonalized learning ay nagbibigay ng mas angkop na gawain ayon sa pangangailangan ng mag-aaral. Ayon kina Chen et al. (2022), Hashim et al. (2022), at Chen et al. (2021), ang mataas na kasanayan sa AI ay nagpapabilis sa pagtukoy ng kahinaan, nagpapataas ng motibasyon, at tumutulong sa pagpili ng tamang estratehiya sa pagkatuto. Sa ganitong paraan, tumataas ang kahusayan at pagiging epektibo ng pagkatuto. 1.1.5. Pagsusuri ng Pag-unlad (AI-Based Progress Assessment—Ang AI ay nagbibigay ng real-time feedback at mas tumpak na monitoring. Ipinakita nina Maghsudi et al. (2021), van der Vorst Jelicic (2019), Liang et al. (2023), at Celik et al. (2022) na ang predictive models, analytics, at personalized feedback ay tumutulong sa mag-aaral na masuri ang kanilang lakas at kahinaan. Ang prosesong ito ay nagpapabuti sa self-regulated learning at akademikong pagunlad. 1.1.6. Kritikal na Pag-iisip—Ang kritikal na pag-iisip ay ang kakayahang magsuri, maganalisa, at gumawa ng lohikal na paghuhusga. Ayon kina Mohammadi et al. (2022), Din (2020), at Sari Prasetyo (2021), ang projectbased learning at critical reading ay nagpapataas ng kakayahang tumukoy at tumugon sa komplikadong ideya. Ang problem-based learning (Cosgun Atay, 2021) at argumentative writing (Nejmaoui, 2019; Rashtchi Khoshnevisan, 2020) ay nagtataguyod ng mas malalim na pagaanalisa. Ipinakita rin ng iba pang pananaliksik (El Soufi See, 2019; Karapetian, 2020; Esmaeil Nejad et al., 2022; Moeiniasl et al., 2022) na ang explicit teaching ng critical thinking at ESPbased environments ay may direktang epekto sa akademikong pagganap. 1.1.7. Kasanayan sa Pagsusuri—Ang analytical skill ay napapatibay sa pamamagitan ng digital reading (Muravev, 2023), integrasyon ng critical thinking sa language learning (Babazade, 2023), at self-correction skills (Sato McDonough, 2020). Learning analytics at case-based learning (Frommelt et al., 2019; Peeters et al., 2020) ay napatunayang epektibo sa pagpapaunlad ng pagsusuri. 1.1.8. Kakayahang Mangatwiran—Cooperative learning, scaffolding, at explicit instruction (Sitepu, 2019; Perkins, 2019; Liang Fung, 2021) ay nagpapalakas sa reasoning skills. Ang background knowledge at visualization skills (Pavlin et al., 2019) ay nakakatulong sa pagbuo ng lohikal na argumento. Pinatunayan nina Molerov et al. (2020) na ang online reasoning tasks ay nakapagpapataas din ng kritikal na pagiisip. 1.1.9. Kasanayan sa Paglutas ng Suliranin—Problem-based learning at virtual reality (K ¨ ok Duman, 2023; Chen et al., 2021) ay epek4ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - tibo sa pagpapalakas ng problem-solving skills. Ang creative problem-solving (Wang, 2019) at self/peer assessment (Kumar et al., 2023) ay may malaking ambag sa mas mahusay na pagaanalisa at pagbuo ng solusyon. Maging ang mathematical language skills (Xu et al., 2022) ay nakakatulong sa mas mahusay na paglutas ng problema. 1.1.10. Kakayahang Magtasa (Evaluative Thinking)—Ang evaluative thinking ay pinapalakas ng assessment-focused instruction (Almalki, 2019), skill-based assessments (Sadullaeva et al., 2019), at English proficiency challenges (Aizawa et al., 2023). Ang paggamit ng AR at EdTech tools (Parmaxi Demetriou, 2020; Shadiev Wang, 2022) ay nagtataguyod ng mas mataas na antas ng pagsusuri at kritikal na pag-iisip. 1.2. Sintesis—Unang nabanggit sa ilang pag-aaral na ang kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ay maaaring humubog sa kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip nang mas malalim at analitikal. Ipinapakita ng mga saliksik na kapag mas bihasa ang kabataan sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, mas nagiging malikhain at mausisa ang kanilang proseso ng pag-aaral. Gayundin, nabibigyan sila ng pagkakataon na mabilis na makakalap ng impormasyon at makapagsagawa ng mga masusing pagsusuri sa iba’t ibang paksa. Sa kabilang banda, may ilang agam-agam na kapag hindi naayon ang paggamit ng AI, maaaring bumagal o mahadlangan ang pagsasanay sa tradisyonal na kritikal na pag-iisip. Subalit, nananatiling malinaw na angkop na pagtuturo at tamang gabay ang nagiging susi upang mapakinabangan nang lubos ang AI para sa mas matibay na pag-unlad ng kakayahang mag-isip. Sa kasalukuyan, binibigyang-pansin ng mga mananaliksik at tagapagpatupad ng edukasyon ang potensiyal na ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa paggamit ng AI at kritikal na pag-iisip. Mahalaga umanong suriin kung anong bahagi ng kasanayang ito ang talagang nakaaapekto sa pag-unlad ng kakayahang mag-analisa at magpasya nang mas epektibo. Dahil dito, nagiging kapaki-pakinabang ang pagsasagawa ng mas malalim na pag-aaral, lalo na sa antas ng sekundarya, katulad sa Distrito ng San Isidro South sa Davao del Norte. Sa ganitong paraan, maaaring matukoy kung alin sa mga kasanayan sa AI ang higit na nagpapatibay sa kritikal na pag-iisip at kung anong estratehiya ang maaaring ipatupad sa mga paaralan. Sa huli, inaasahang matutulungan nito ang mga guro at magaaral na mas epektibong gamitin ang teknolohiya bilang daan sa mas mataas na antas ng pagkatuto. 1.3. Teoretikal at Balangkas ng Kaisipan— Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa Bloom’s (1956) Taxonomy na nag-uuri ng iba’t ibang antas ng pag-iisip mula sa simpleng pag-alala hanggang sa mas mataas na antas ng pagaanalisa at paglikha. Ito ay ginagamit upang itakda ang mga layunin sa pagtuturo at pagsusuri ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang teoryang ito ay angkop sa pag-aaral na ito dahil ang kritikal na pag-iisip ay kabilang sa mas mataas na antas ng taxonomy, tulad ng pagsusuri at paglikha. Sa pamamagitan ng Bloom’s Taxonomy, maaaring masukat kung paano nakatutulong ang kasanayan sa paggamit ng AI sa paghubog ng mas mataas na antas ng pag-iisip ng mga mag-aaral. Bukod dito, nagbibigay ito ng sistematikong paraan upang masuri ang epekto ng AI sa iba’t ibang aspeto ng pag-iisip, na mahalaga para sa komprehensibong pag-aaral. Bilang suporta, ang Technological Pedagogical Content Knowledge (TPACK) nina Mishra at Koehler (2006) ay isang balangkas na naglalarawan ng kaalaman ng guro sa pagsasama-sama ng teknolohiya, pedagohiya, at nilalaman ng aralin upang maging epektibo ang pagtuturo. Ito ay nagbibigaydiin sa kahalagahan ng integrasyon ng teknolohiya sa proseso ng pagtuturo upang mapabuti ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang teoryang TPACK ay angkop sa pag-aaral na ito 5ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - dahil tumutukoy ito sa kasanayan ng mga magaaral sa paggamit ng AI bilang isang teknolohikal na kasangkapan sa kanilang pagkatuto. Sa pamamagitan ng TPACK, maaaring masuri kung paano ginagamit ng mga mag-aaral ang AI upang mas mapabuti ang kanilang kritikal na pag-iisip sa pag-aaral ng wika. Dagdag pa rito, ang balangkas na ito ay nagbibigay daan upang maunawaan ang ugnayan sa pagitan ng teknolohiya at pedagogikal na pamamaraan na nagreresulta sa mas epektibong pagkatuto. Dagdag pa, ang Constructivist Learning Theory ni Vygotsky (1978) ay nagsasaad na ang mga magaaral ay aktibong bumubuo ng kanilang sariling kaalaman batay sa kanilang karanasan at interaksyon sa kapaligiran. Ito ay nagbibigaydiin sa kahalagahan ng aktibong pagkatuto at kolaborasyon sa proseso ng pag-unlad ng pagiisip. Ang teoryang ito ay angkop sa pag-aaral na ito dahil ang paggamit ng AI ay maaaring magbigay ng interaktibong kapaligiran na nagpapalakas sa aktibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng AI, ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan at mag-eksperimento sa iba’t ibang sitwasyon na nakatutulong sa kanilang kritikal na pag-iisip. Bukod dito, ang constructivist approach ay sumusuporta sa ideya na ang pagkatuto ay isang proseso ng konstruksyon ng kaalaman, na kung saan ang AI ay nagsisilbing kasangkapan upang mas mapalalim ang pag-unawa at pagsusuri ng mga mag-aaral. Ang malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay ang kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ng mga mag-aaral o ang kakayahang maunawaan at epektibong magamit ang mga teknolohiyang AI sa kanilang pag-aaral. Ito ay nagpapakita ng kanilang kakayahan na gamitin ang AI bilang kasangkapan upang mapahusay ang kanilang pagkatuto at kasanayan. Nasusuri ang kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ayon sa pag-angkop sa teknolohiya o ang kakayahan ng mga magaaral na epektibong magamit at isama ang AI sa kanilang proseso ng pagkatuto; interaktibong pagkatuto o kakayahang gamitin ang AI upang makilahok nang aktibo at makipag-ugnayan sa mga materyales at aktibidad sa pag-aaral; personalisasyon o ang kakayahang gamitin ang AI upang iangkop ang pag-aaral ayon sa kanilang indibidwal na pangangailangan at istilo ng pagkatuto; at pagsusuri ng pag-unlad o ang kakayahan ng mga mag-aaral na gamitin ang AI upang masubaybayan at masuri ang kanilang progreso sa pagkatuto ng wika. Ang dimalayang baryabol sa pag-aaral na ito ay ang kritikal na pag-iisip na tumutukoy sa kakayahan nilang suriin at timbangin ang impormasyon, argumento, at ideya na kanilang natutunan sa pagaaral ng isang wika. Nasusuri ang kritikal na pag-iisip ayon sa kasanayan sa pagsusuri o ang kakayahang paghati-hatiin ang komplikadong impormasyon sa mas maliliit na bahagi upang mas madaling maunawaan at masusing masuri ito; kakayahang mangatwiran o ang kapasidad na mag-isip nang lohikal at gumawa ng mga makatwirang pagpapasya batay sa ebidensya at pangangatwiran; kasanayan sa paglutas ng suliranin o ang kakayahang matukoy ang mga problema, bumuo ng mga solusyon, at ipatupad ang mga epektibong estratehiya upang malutas ang mga ito; at kakayahang magtasa o ang kakayahang suriin ang kredibilidad ng mga pinagkukunan, ang lakas ng mga argumento, at ang bisa ng mga konklusyon. 1.4. Paglalahad ng Suliranin—Pangunahing layunin ng pananaliksik na siyasatin kung anong domeyn ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ang may makabuluhang impluwensiya sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental. Titiyakin sa pag-aaral ang sumusunod na layunin: 6ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - Fig. 1. Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral (1) A no ang antas ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI), kung susuriin ayon sa: (1) pag-angkop sa teknolohiya; (2) interaktibong pagkatuto; (3) personalisasyon; at (4) pagsusuri ng pag-unlad? (2) Ano ang antas ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral, kung susuriin ayon sa: (1) Kasanayan sa Pagsusuri; (2) Kakayahang Mangatwiran; (3) Kasanayan sa Paglutas ng Suliranin; at (4) Kakayahang Magtasa? (3) M ayroon bang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya? (4) A nong domeyn ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ang may makabuluhang impluwensiya sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya? 1.5. Hipotesis—Sinubok ang pananaliksik na ito ang hipotesis sa 0.05 antas ng kahalagahan. H01: Walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. H02: Walang domeyn ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ang may makabuluhang impluwensiya sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. Para sa higit na komprehensibong pag-unawa, ang mga sumusunod na termino ay tinukoy: Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI). Ito ay tumutukoy sa kakayahang maunawaan at epektibong magamit ang mga teknolohiyang AI sa kanilang pag-aaral. Ito ay nagpapakita ng kanilang kakayahan na gamitin ang AI bilang kasangkapan upang mapahusay ang kanilang pagkatuto at kasanayan. Ito ang malayang baryabol sa kasalukuyang pag-aaral na sinuri ayon sa pag-angkop sa teknolohiya, interaktibong pagkatuto, personalisasyon, at pagsusuri ng pag-unlad. Kritikal na Pag-iisip. Ito ay tumutukoy sa kakayahan nilang suriin at timbangin ang impormasyon, argumento, at ideya na kanilang natutunan sa pag-aaral ng isang wika. Ang di-malayang baryabol sa kasalukuyang pagaaral na sinuri ayon sa kasanayan sa pagsusuri, kakayahang mangatwiran, kasanayan sa paglutas ng suliranin, at kakayahang magtasa. 7ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - 2. Pamamaraan ng Pananaliksik Ang seksyon na ito ay naglalaman ng mga pamamaraan na ginamit ng mananaliksik sa pagaaral. Ang mga pamamaraang ito ay ang mga sumusunod: disenyo ng pananaliksik, Etikal na Konsiderasyon, mga kalahok, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan sa pagtitipon ng Datos, at pagsusuri sa Datos. 2.1. Disenyo ng Pananaliksik—Sa konteksto ng pag-aaral na ito, pinili ng mananaliksik ang isang kwantitatibong pamamaraan sa pananaliksik. Ang quantitative na disenyo ay isang sistematikong pamamaraan ng pananaliksik na gumagamit ng mga bilang at estadistikal na pagsusuri upang masagot ang mga tanong sa pananaliksik. Layunin nitong sukatin at ilarawan ang mga relasyon sa pagitan ng mga baryabol (Ahmad et al., 2019). Ito ay angkop sa pag-aaral na ito dahil hinahayaan nitong masukat ang antas ng kasanayan sa paggamit ng AI at ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. Sa pamamagitan ng paggamit ng estadistikal na pagsusuri, maaaring matukoy ang mga pattern at ugnayan na makakatulong sa pag-unawa kung paano nakakaapekto ang AI sa pag-unlad ng kritikal na pag-iisip. Bukod dito, nagbibigay ito ng konkretong datos na maaaring gamitin sa paggawa ng mga rekomendasyon para sa pagpapabuti ng mga estratehiya sa pagtuturo. Dagdag pa, ang descriptive na pamamaraan ng pananaliksik ay isang uri ng pananaliksik na naglalarawan ng mga katangian, kalagayan, o pangyayari na umiiral sa kasalukuyang panahon. Ito ay nagbibigay ng detalyadong paglalarawan ng mga phenomenon na sinusuri (Mohajan, 2020). Ito ay nararapat sa pag-aaral na ito upang maipakita ang kasalukuyang estado ng kasanayan sa paggamit ng AI at ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng detalyadong paglalarawan, mas mauunawaan ang mga pangangailangan at kalagayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya sa kanilang pagkatuto. Ito rin ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon na maaaring gamitin upang bumuo ng mga angkop na hakbangin para sa pagpapabuti ng edukasyonal na kapaligiran. Bukod dito, ang correlational na pamamaraan ay isang uri ng pananaliksik na naglalayong tuklasin ang relasyon o ugnayan sa pagitan ng dalawang o higit pang mga variable. Hindi nito tinutukoy kung may sanhi at epekto, kundi tinitingnan lamang ang antas ng ugnayan (Hassan, 2024). Ang pamamaraang correlational ay angkop sa pag-aaral na ito upang matukoy ang ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa paggamit ng AI at ang antas ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Bagamat hindi nito natutukoy ang sanhi at epekto, nakatutulong ito upang makita kung may positibo o negatibong relasyon ang dalawang variable. Ang pagkakaroon ng ganitong ugnayan ay nagbibigay daan sa mas malalim na pagsusuri at maaaring magsilbing batayan para sa mga susunod na pag-aaral na magtutuon sa sanhi ng ugnayang ito. 2.2. Kalahok sa Pananaliksik—Batay sa pormulang Slovin, tinatayang 333 junior high school students mula sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental ang magiging kalahok sa pananaliksik na ito. Una, sinuri ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa bawat paaralan upang malaman ang tamang dami ng kalahok. Ikalawa, tinukoy ang angkop na prosyento o antas ng representasyon upang matiyak na sapat ang bilang ng kalahok na kakatawan sa kabuuang populasyon. Bukod dito, isinasaalangalang din ang margin of error upang maging balanse at makatotohanan ang pagkuha ng datos. Sa ganitong paraan, magiging mas matibay ang pundasyon ng resulta at mas masasalamin nito ang tunay na kalagayan ng mga mag-aaral sa 8ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - nasabing distrito. Para sa pananaliksik na ito, nagtakda ako ng ilang pamantayan upang masigurong tugma ang mga kalahok sa layunin ng pag-aaral. Una, kinakailangang nakatala bilang junior high school student sa Distrito ng San Isidro South upang matiyak na saklaw nila ang nais tukuying sakop. Ikalawa, dapat handang lumahok at magpahayag ng kani-kanilang karanasan o pananaw hinggil sa kanilang kalagayan bilang mag-aaral. Bukod dito, mahalaga ring walang kinakaharap na seryosong karamdaman o suliraning magpipigil sa kanila na makibahagi sa mga kinakailangang proseso ng pananaliksik. Sa ganitong paraan, mas mapagtitibay at masasalamin nang maayos ng datos ang katotohanang nais tuklasin sa pagaaral na ito. Ang simple random sampling ay isang paraan ng pagpili ng kalahok kung saan bawat miyembro ng populasyon ay may pantay na pagkakataong mapili (Noor et al., 2022). Tinitiyak nitong walang kinikilingan at pantay ang tsansa ng bawat mag-aaral na maging bahagi ng pananaliksik. Una, maghahanda ng listahan ng lahat ng junior high school students sa limang paaralan sa Distrito ng San Isidro South. Ikalawa, bubunutin nang sapalaran ang mga kalahok mula sa bawat paaralan upang makabuo ng kabuuang 333 kalahok. Sa ganitong hakbang, sinusunod ang kawastuan ng simple random sampling at namamantine ang patas na representasyon ng bawat paaralan. 2.3. Pamantayang Etikal—Inobserbahan mananaliksik ang mga protokol na itinuring na kinakailangan bilang mga pamantayang patnubay sa pagsasagawa ng pag-aaral ng pananaliksik kasunod ng pamantayan sa mga pagtatasa ng protokol ng pag-aaral, lalo na sa pamamahala ng populasyon at datos. Sa gayon, ang pag-aaral ay ipinasa sa committee ng etika upang suriin ang pagiging tunay at kredibilidad ng pag-aaral. Ang mga sumusunod na alintuntunin ay sinunod ng mananaliksik: Kahalagahang Panlipunan Ang pag-aaral na ito ay may malaking halaga sa lipunan mula sa maliit hanggang sa malawak na antas. Sa antas ng indibidwal, makakatulong ito sa mga magaaral na mas maunawaan ang kanilang kakayahan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at kung paano ito nakaaapekto sa kanilang kritikal na pag-iisip. Sa pamamagitan ng mas malalim na pag-unawa sa ugnayan ng AI at kritikal na pag-iisip, ang mga mag-aaral ay maaaring mapabuti ang kanilang mga estratehiya sa pagkatuto at maging mas epektibo sa kanilang akademikong pagganap. Sa antas ng paaralan, ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing gabay para sa mga guro at administrador sa pagpapaunlad ng mga kurikulum na mas nakatuon sa integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo. Ang mga datos na makakalap mula sa pag-aaral ay makakatulong sa paglikha ng mga programang naglalayong pataasin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng AI, na mahalaga sa modernong edukasyon. Sa ganitong paraan, ang mga paaralan ay magiging mas handa sa pagtugon sa mga hamon ng makabagong panahon. Sa mas malawak na antas, ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa paghubog ng mga polisiya sa edukasyon na sumusuporta sa paggamit ng teknolohiya upang mapaunlad ang pag-iisip ng mga mag-aaral. Ang mga rekomendasyon mula sa pag-aaral ay maaaring gamitin ng mga tagapagpatupad ng polisiya upang masiguro na ang paggamit ng AI sa edukasyon ay naaayon sa mga layunin ng pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at pagunlad ng kritikal na pag-iisip ng kabataan. Sa huli, ang pag-aaral ay nag-aambag sa pangkalahatang pag-unlad ng lipunan sa pamamagitan ng paghahanda ng mas mahusay na mga mag-aaral na may malawak na kasanayan sa teknolohiya at pag-iisip. Pagtanggap at Pagsang-ayon Bago simulan ang pag-aaral, sisiguraduhin ng mananaliksik na ang lahat ng kalahok ay malinaw na naipaliwanag ang layunin ng pag-aaral. Ipapahayag sa kanila kung bakit mahalaga ang kanilang partisipasyon at kung paano makakatulong ang kanilang mga sagot sa pagsusuri ng epekto 9ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - mga mag-aaral, dahil naiaakma nito ang nilalaman sa kanilang indibidwal na pangangailangan. Ang saklaw ng mean ng mga pahayag na nauugnay sa personalisasyon ay mula 4.14 hanggang 4.26. Ang pinakamataas na pahayag ay Tumutugon ang Artificial Intelligence (AI) sa aking mga pangangailangan sa pag-aaral sa real-time na may mean na 4.26. Sa kabilang dako, ang pinakamababang pahayag ay Tinutulungan ako ng Artificial Intelligence (AI) na magtakda ng personal na mga layunin sa pagaaral na may mean na 4.14. Ayon kina Hashim et al. (2022), ang paggamit ng personalisadong AI sa edukasyon ay nagpapalakas sa kakayahan ng mga mag-aaral na pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Table 3. Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ng mga Mag-aaral Kung Susuriin Ayon sa Personalisasyon Mga Pahayag Marka Paglalarawan Napapersonalisa ng Artificial Intelligence (AI) ang mga materyal sa pag-aaral na akma sa aking antas at bilis. 4.19 Mataas Nag-aadapt ang Artificial Intelligence (AI) sa aking mga kagustuhan sa pag-aaral. 4.18 Mataas Tinutulungan ako ng Artificial Intelligence (AI) na magtakda ng personal na mga layunin sa pag-aaral. 4.14 Mataas Nakakatanggap ako ng indibidwal na feedback mula sa Artificial Intelligence (AI) na nagpapabuti ng aking pagganap. 4.16 Mataas Tumutugon ang Artificial Intelligence (AI) sa aking mga pangangailangan sa pag-aaral sa real-time. 4.26 Mas Mataas Mean 4.19 Mataas Talababa. Mas Mataas = Palaging Nakikita. Mataas = Madalas Nakikita. Katamtaman = Paminsan-minsan Nakikita. Mababa = Bihirang Nakikita. Mas Mababa = Hindi Nakikita. Sa Talahanayan 4, makikita na ang kabuuang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pagsusuri ng pag-unlad ay nasa antas na mataas, na may mean na 4.16. Ipinapakita nito na ang mga mag-aaral ay madalas na nakakaranas ng tulong mula sa AI sa pagsubaybay sa kanilang akademikong pag-unlad. Sa pamamagitan ng AI, nagiging mas malinaw para sa mga magaaral ang kanilang mga kalakasan at kahinaan sa pag-aaral, na nagbibigay-daan sa kanila na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang mapabuti. Ayon kina Maghsudi et al. (2021), ang paggamit ng AI sa pagsusuri ng pag-unlad ng mag-aaral ay nagdudulot ng mas malinaw na pag-unawa sa kanilang akademikong progreso, na nakakatulong sa pagpaplano ng mas epektibong estratehiya sa pag-aaral. Ang saklaw ng mean ng mga pahayag na nauugnay sa pagsusuri ng pag-unlad ay mula 4.07 hanggang 4.29. Ang pinakamataas na pahayag ay Tumutulong ang Artificial Intelligence (AI) sa pag-identify ng mga lugar kung saan ko kailangang maglaan ng mas maraming oras sa pag-aaral. Sa kabilang dako, ang pinakamababang pahayag ay Nagpapakita ang Artificial Intelligence (AI) ng mga trend at pattern sa aking mga resulta sa pagaaral na may mean na 4.07. Ayon kina van der Vorst at Jelicic (2019), ang paggamit ng AI sa pagsusuri ng progreso ng mga mag-aaral ay nagbibigay-daan sa mas malinaw na pananaw sa kanilang akademikong landas. 16 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - Table 4. Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ng mga Mag-aaral Kung Susuriin Ayon sa Pagsusuri ng Pag-unlad Mga Pahayag Marka Paglalarawan Binibigyang-daan ako ng Artificial Intelligence (AI) na masubaybayan ang aking progreso sa pag-aaral. 4.23 Katamtaman Nagbibigay ang Artificial Intelligence (AI) ng tumpak na pagtatasa ng aking mga kahinaan at kalakasan. 4.15 Mataas Pinapayagan ako ng Artificial Intelligence (AI) na makita ang aking pag-unlad sa iba’t ibang mga paksa. 4.08 Katamtaman Tumutulong ang Artificial Intelligence (AI) sa pag-identify ng mga lugar kung saan ko kailangang maglaan ng mas maraming oras sa pag-aaral. 4.29 Mataas Nagpapakita ang Artificial Intelligence (AI) ng mga trend at pattern sa aking mga resulta sa pag-aaral. 4.07 Mataas Mean 4.16 Mataas Talababa. Mas Mataas = Palaging Nakikita. Mataas = Madalas Nakikita. Katamtaman = Paminsan-minsan Nakikita. Mababa = Bihirang Nakikita. Mas Mababa = Hindi Nakikita. Sa Talahanayan 5, makikita na ang kabuuang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental ay nasa antas na mataas, na may kabuuang mean na 4.17. Ipinapakita nito na ang mga mag-aaral ay madalas na gumagamit ng AI sa kanilang pagaaral, partikular sa mga aspeto ng interaktibong pagkatuto, personalisasyon, at pagsusuri ng pagunlad. Ayon kay Schmidt at Strasser (2022), ang paggamit ng mga interaktibong teknolohiya tulad ng AI ay nagdudulot ng mas mataas na antas ng pakikilahok at motibasyon sa mga mag-aaral. Table 5. Buod ng Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ng mga Mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental Mga Indikeytor Marka Paglalarawan Pag-angkop sa Teknolohiya 3.99 Mataas Interaktibong Pagkatuto 4.34 Mas Mataas Personalisasyon 4.19 Mataas Pagsusuri ng Pag-unlad 4.16 Mataas Kabuuang Mean 4.17 Mataas Talababa. Mas Mataas = Palaging Nakikita. Mataas = Madalas Nakikita. Katamtaman = Paminsan-minsan Nakikita. Mababa = Bihirang Nakikita. Mas Mababa = Hindi Nakikita. Ang pinakamataas na kasanayan ay makikita sa Interaktibong Pagkatuto, na may mean na 4.34, na nasa antas na mas mataas, na nagpapahiwatig na ang AI ay pinakaepektibong ginagamit upang gawing mas nakakaengganyo at makabuluhan ang karanasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kabilang dako, ang pinakamababang mean ay makikita sa Pag-angkop sa Teknolohiya, na may mean na 3.99, na nasa antas na mataas pa rin. Bagama’t ito ang pinakamababa, ipinapakita pa rin nito na ang mga magaaral ay may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga teknolohikal na kagamitan sa tulong ng AI. Ayon kina Yu at Nazir (2021), ang kakayahan 17 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - ng mga mag-aaral na umangkop sa teknolohiya ay mahalaga sa kanilang akademikong pag-unlad, lalo na sa mga makabagong panahon kung saan ang teknolohiya ay pangunahing kasangkapan sa edukasyon. Sa kabuuan, ang resulta ay nagpapakita na ang paggamit ng AI ay nagbibigay ng positibong epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa distrito. 3.2. Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral—Sa Talahanayan 6, makikita na ang kabuuang kasanayan ng mga mag-aaral sa Kritikal na Pag-iisip ayon sa kanilang kakayahan sa Pagsusuri ay nasa antas na mataas, na may kabuuang mean na 4.06. Ipinapakita nito na ang mga mag-aaral ay madalas na nagpapakita ng kasanayan sa kritikal na pagsusuri ng mga impormasyon at ideya na kanilang nakakaharap. Sa pamamagitan ng kasanayang ito, nagagawa nilang paghiwalayin ang mahahalagang detalye mula sa hindi mahalaga, makilala ang mga koneksyon sa pagitan ng mga konsepto, at suriin ang mga argumento nang mas malalim. Ayon kay Muravev (2023), ang kritikal na pag-iisip ay isang mahalagang aspeto ng pagkatuto na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga mag-aaral na mag-analisa at mag-interpret ng impormasyon nang may layunin at lohika. Ang saklaw ng mean ng mga pahayag na nauugnay sa kasanayan sa pagsusuri ay mula 3.81 hanggang 4.25. Ang pinakamataas na pahayag ay Kaya kong kritikal na suriin at kuwestiyunin ang mga argumento at ideya na aking nakikita o naririnig na may mean na 4.25. Sa kabilang dako, ang pinakamababang pahayag ay Nagagamit ko ang aking kasanayan sa pagsusuri upang paghiwalayin ang mahahalagang detalye mula sa hindi mahalaga sa mga teksto na may mean na 3.81. Bagama’t ito ang pinakamababa, ipinapakita pa rin nito na ang mga mag-aaral ay may sapat na kakayahang suriin ang mga impormasyon. Ayon kay Babazade (2023), ang kakayahang magsuri ay isang pundasyon ng kritikal na pag-iisip na tumutulong sa mga magaaral na maging mas mapanuri at mapagmatyag sa kanilang pagkatuto. Table 6. Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral Kung Susuriin Ayon sa Kasanayan sa Pagsusuri Mga Pahayag Marka Paglalarawan Nagagamit ko ang aking kasanayan sa pagsusuri upang paghiwalayin ang mahahalagang detalye mula sa hindi mahalaga sa mga teksto. 3.81 Mataas Madali kong nakikita ang ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang konsepto at ideya sa mga aralin. 3.93 Mataas Naiintindihan ko ang mga implikasyon ng mga impormasyong ibinibigay sa akin sa klase. 4.19 Mataas Kaya kong kritikal na suriin at kuwestiyunin ang mga argumento at ideya na aking nakikita o naririnig. 4.25 Mas Mataas Nagagamit ko ang aking mga kasanayan sa pagsusuri upang tukuyin ang bias at pagkiling sa mga mapagkukunan ng impormasyon. 4.12 Mataas Marka 4.06 Mataas Talababa. Mas Mataas = Palaging Nakikita. Mataas = Madalas Nakikita. Katamtaman = Paminsan-minsan Nakikita. Mababa = Bihirang Nakikita. Mas Mababa = Hindi Nakikita. Sa Talahanayan 7, makikita na ang kabuuang kasanayan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip ayon sa kanilang kakayahang mangatwiran ay nasa antas na mataas, na may kabu18 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - uang mean na 3.98. Ipinapakita nito na ang mga mag-aaral ay madalas na gumagamit ng kanilang kakayahan sa lohikal na pangangatwiran sa iba’t ibang akademikong gawain. Ang kanilang kakayahang mangatwiran ay nagbibigaydaan sa kanila na makabuo ng makatuwirang mga konklusyon, suportahan ang kanilang mga pananaw, at magbigay ng malinaw na mga paliwanag. Ayon kay Sitepu (2019), ang kakayahang mangatwiran ay isang mahalagang bahagi ng kritikal na pag-iisip na tumutulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang mga komplikadong konsepto at makabuo ng lohikal na pananaw sa mga ito. Table 7. Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral Kung Susuriin Ayon sa Kakayahang Mangatwiran Mga Pahayag Marka Paglalarawan Nakakagawa ako ng lohikal na mga konklusyon batay sa ebidensya na aking nakalap. 3.97 Mataas Madalas kong gamitin ang lohikal na pag-iisip sa paggawa ng mga akademikong gawain. 4.11 Mataas Nagagamit ko ang kakayahang mangatwiran upang suportahan ang aking mga opinyon at paniniwala. 4.03 Mataas Kaya kong magbigay ng sapat na dahilan upang ipaliwanag ang aking mga sagot sa mga tanong. 3.96 Mataas Epektibo akong nakikipag-argumento gamit ang lohika at katwiran. 3.81 Mataas Marka 3.98 Mataas Talababa. Mas Mataas = Palaging Nakikita. Mataas = Madalas Nakikita. Katamtaman = Paminsan-minsan Nakikita. Mababa = Bihirang Nakikita. Mas Mababa = Hindi Nakikita. Ang saklaw ng mean ng mga pahayag na nauugnay sa kakayahang mangatwiran ay mula 3.81 hanggang 4.11. Ang pinakamataas na pahayag ay Madalas kong gamitin ang lohikal na pag-iisip sa paggawa ng mga akademikong gawain na may mean na 4.11. Sa kabilang dako, ang pinakamababang pahayag ay Epektibo akong nakikipag-argumento gamit ang lohika at katwiran na may mean na 3.81. Ayon kina Liang and Fung (2021), ang paglinang ng kakayahang mangatwiran ay mahalaga sa pagtataguyod ng kritikal na pag-iisip at epektibong pakikipagkomunikasyon. Sa Talahanayan 8, makikita na ang kabuuang kasanayan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip ayon sa kanilang kasanayan sa paglutas ng suliranin ay nasa antas na mataas, na may kabuuang mean na 3.92. Ipinapakita nito na ang mga mag-aaral ay madalas na nagpapakita ng kakayahan sa epektibong paglutas ng mga problema, kapwa sa kanilang akademikong gawain at sa kanilang personal na buhay. Ang kanilang kakayahan sa paglutas ng suliranin ay nagbibigay-daan sa kanila na tukuyin ang mga pangunahing problema, bumuo ng mga solusyon, at magamit ang kanilang mga natutunan sa praktikal na paraan. Ayon kina K ¨ ok at Duman (2023), ang kakayahan sa paglutas ng problema ay isang mahalagang aspeto ng kritikal na pag-iisip na tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng kumpiyansa at kasanayan sa pagharap sa mga hamon. 19 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - Table 8. Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral Kung Susuriin Ayon sa Kasanayan sa Paglutas ng Suliranin Mga Pahayag Marka Paglalarawan Madali kong natutukoy ang mga pangunahing problema sa mga kumplikadong sitwasyon. 3.84 Mataas Kaya kong bumuo ng iba’t ibang solusyon sa mga problema na aking kinakaharap. 4.04 Mataas Epektibo kong naiuugnay ang teorya sa praktika sa paglutas ng mga suliranin. 4.07 Mataas Nagagamit ko ang aking mga kasanayan sa paglutas ng problema sa akademiko at personal na mga sitwasyon. 3.98 Mataas Nagtataglay ako ng sapat na pasensya at diskarte sa pagharap sa mga mahirap na gawain o problema. 3.67 Mataas Marka 3.92 Mataas Talababa. Mas Mataas = Palaging Nakikita. Mataas = Madalas Nakikita. Katamtaman = Paminsan-minsan Nakikita. Mababa = Bihirang Nakikita. Mas Mababa = Hindi Nakikita. Ang saklaw ng mean ng mga pahayag na nauugnay sa kasanayan sa paglutas ng suliranin ay mula 3.67 hanggang 4.07. Ang pinakamataas na pahayag ay Epektibo kong naiuugnay ang teorya sa praktika sa paglutas ng mga suliranin na may mean na 4.07. Sa kabilang dako, ang pinakamababang pahayag ay Nagtataglay ako ng sapat na pasensya at diskarte sa pagharap sa mga mahirap na gawain o problema na may mean na 3.67. Ayon kina Chen et al. (2021), ang pagiging kalmado at mapamaraan sa paglutas ng problema ay isang mahalagang katangian ng mga kritikal na nag-iisip. Sa Talahanayan 9, makikita na ang kabuuang kasanayan ng mga mag-aaral sa Kritikal na Pag-iisip ayon sa kanilang Kakayahang Magtasa ay nasa antas na Mataas, na may kabuuang mean na 3.79. Ipinapakita nito na ang mga mag-aaral ay madalas na gumagamit ng kanilang kakayahang magsuri at magtasa ng mga impormasyon at ideya na kanilang natatanggap. Sa pamamagitan ng kanilang kakayahang magtasa, nagagawa nilang suriin ang kredibilidad ng mga mapagkukunan, magbigay ng balanseng pananaw sa mga isyu, at tukuyin ang lakas at kahinaan ng mga ideya o teorya. Ayon kina Sadullaeva et al. (2019), ang kakayahang magtasa ay isang mahalagang bahagi ng kritikal na pag-iisip na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na maging mapanuri at matalinong magpasya. Ang saklaw ng mean ng mga pahayag na nauugnay sa kakayahang magtasa ay mula 3.61 hanggang 3.87. Ang pinakamataas na pahayag ay Nagagamit ko ang ebidensya upang magtasa ng lakas ng iba’t ibang argumento na may mean na 3.87. Sa kabilang dako, ang pinakamababang pahayag ay Nagagamit ko ang kritikal na pagtasa sa paggawa ng mahahalagang desisyon sa akademiko na may mean na 3.61. Ayon kina Aizawa et al. (2023), ang kakayahang magtasa ay isang pangunahing aspeto ng kritikal na pag-iisip na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na magdesisyon batay sa lohikal na pagsusuri ng mga impormasyon. Sa Talahanayan 10, ipinapakita ng mga natuklasan na ang kabuuang antas ng Kritikal na Pag-iisip ng mga mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental ay nasa Mataas, na may kabuuang mean na 3.94. Ipinapakita nito na ang mga mag-aaral ay madalas na nag20 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - Table 9. Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral Kung Susuriin Ayon sa Kakayahang Magtasa Mga Pahayag Marka Paglalarawan Kaya kong magtasa ng kredibilidad ng mga mapagkukunan ng impormasyon na aking ginagamit. 3.86 Mataas Nagagamit ko ang ebidensya upang magtasa ng lakas ng iba’t ibang argumento. 3.87 Mataas Epektibo kong natutukoy ang mga lakas at kahinaan ng mga ideya o teorya na pinag-aaralan. 3.75 Mataas Kaya kong magbigay ng balanseng pagtatasa sa mga isyu na may magkakaibang pananaw. 3.85 Mataas Nagagamit ko ang kritikal na pagtasa sa paggawa ng mahahalagang desisyon sa akademiko. 3.61 Mataas Marka 3.79 Mataas Talababa. Mas Mataas = Palaging Nakikita. Mataas = Madalas Nakikita. Katamtaman = Paminsan-minsan Nakikita. Mababa = Bihirang Nakikita. Mas Mababa = Hindi Nakikita. papakita ng mga kasanayan sa kritikal na pagiisip, kabilang ang pagsusuri, pangangatwiran, paglutas ng suliranin, at pagtatasa. Ayon kay Din (2020), ang matibay na kasanayan sa pagsusuri ay isang pundasyon ng kritikal na pagiisip na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na epektibong mag-interpret ng datos at bumuo ng makatuwirang konklusyon. Table 10. Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental Mga Indikeytor Marka Paglalarawan Kasanayan sa Pagsusuri 4.06 Mataas Kakayahang Mangatwiran 3.98 Mataas Kasanayan sa Paglutas ng Suliranin 3.92 Mataas Kakayahang Magtasa 3.79 Mataas Kabuuang Marka 3.94 Mataas Talababa. Mas Mataas = Palaging Nakikita. Mataas = Madalas Nakikita. Katamtaman = Paminsan-minsan Nakikita. Mababa = Bihirang Nakikita. Mas Mababa = Hindi Nakikita. Ang saklaw ng mean ng apat na indikeytor ng kritikal na pag-iisip ay mula 3.79 hanggang 4.06. Ang pinakamataas na antas ay makikita sa Kasanayan sa Pagsusuri, na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay pinakamahusay sa pagkilala ng mahahalagang impormasyon at pagsusuri ng mga konsepto. Sa kabilang dako, ang pinakamababang antas ay nasa Kakayahang Magtasa, na may mean na 3.79, na nasa antas pa rin na Mataas. Ipinapakita nito na bagama’t ang mga mag-aaral ay may sapat na kakayahang magtasa, mayroon pa ring puwang para sa pagpapabuti, lalo na sa pag-alam sa kredibilidad ng mga mapagkukunan at pagbibigay ng balanseng pagtatasa sa mga impormasyon. Ayon kina Sari at Prasetyo (2021), ang kakayahang magtasa ay isang mahalagang aspeto ng kritikal na pag-iisip na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na makabuo ng matalinong pagpapasya at epektibong makilala ang katotohanan mula sa opinyon. 21 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - 3.3. Makabuluhang Ugnayan sa Pagitan ng Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental—Inilahad sa Talahanayan 11 ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental. Ang Bivariate Correlation Analysis gamit ang Pearson Product Moment Correlation ay ginamit upang matukoy ang ugnayan sa pagitan ng mga nabanggit na baryabol. Table 11. Makabuluhang Ugnayan sa Pagitan ng Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) r-value p-value Desisyon Pag-angkop sa Teknolohiya 0.117* 0.032 Hindi Pagtanggap sa H 0 Interaktibong Pagkatuto 0.152* 0.005 Hindi Pagtanggap sa H 0 Personalisasyon -0.061 0.267 Pagtanggap sa H0 Pagsusuri ng Pag-unlad 0.056 0.307 Pagtanggap sa H0 Pangkalahatang Mean ng Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) 0.155* 0.005 Hindi Pagtanggap sa H 0 *Makabuluhang Ugnayan sa p<0.05. Talababa. Perpektong Ugnayan kung r = 1.00. Malakas na Ugnayan kung 0.7 r < 1.00. Katamtamang Ugnayan kung 0.3 r <0.7. Mahinang Ugnayan kung 0.00 <r<0.30. Walang Ugnayan kung r = 0.00. Ang mga resulta sa Talahanayan 11 ay nagpapakita ng isang mahina ngunit makabuluhang positibong ugnayan sa pagitan ng kabuuang kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental, na may r-value na 0.155 (p=0.005), na nagresulta sa hindi pagtanggap sa null hypothesis. Ipinapakita nito na habang tumataas ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng AI, bahagyang tumataas din ang kanilang kritikal na pag-iisip. Ayon kina Spector at Ma (2019), ang paggamit ng AI sa edukasyon ay maaaring magpahusay ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga interaktibong aktibidad at mga personalisadong gabay na nagpapalalim ng kanilang kakayahan sa pagsusuri at pangangatwiran. Sa pagsusuri ng mga dimensyon ng kasanayan sa paggamit ng AI, ang Interaktibong Pagkatuto ay nagpapakita ng pinakamalakas na ugnayan sa kritikal na pag-iisip, na may r-value na 0.152 (p=0.005), na nagpapahiwatig na ang mga mag-aaral na mas aktibong nakikilahok sa mga interaktibong aktibidad sa pamamagitan ng AI ay mas nagpapakita ng kakayahang magsuri, mangatwiran, at magtasa ng mga impormasyon. Sa kabilang banda, ang Personalisasyon (r=-0.061, p=0.267) at Pagsusuri ng Pag-unlad (r=0.056, p=0.307) ay walang makabuluhang ugnayan sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral, na nagresulta sa pagtanggap sa null hypothesis. Ipinapakita nito na bagama’t ang AI ay maaaring magbigay ng personalisadong karanasan sa pag-aaral, hindi nito direktang naiimpluwensyahan ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip. Ayon kay Jasmadi et al. (2024), ang pagiging epektibo ng AI sa pagpapahusay ng kritikal na pag-iisip ay nakadepende sa kung paano ito ginagamit sa mga aktibidad na humihikayat ng 22 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - aktibong pag-iisip at pagninilay. 3.4. Makabuluhang Impluwensya ng Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) Tungo sa Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral—Ang mga resulta ng pagsusuri sa regresyon ay nagpapakita na ang Pagangkop sa Teknolohiya ay may makabuluhang impluwensya sa Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental, na may B na halaga na 0.063 (p=0.015). Ipinapakita nito na sa bawat yunit na pagtaas sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-angkop sa teknolohiya, may katumbas na 0.063 yunit na pagtaas sa kanilang kritikal na pag-iisip. Ipinapakita nito na ang mga magaaral na may kakayahang umangkop sa mga makabagong teknolohiya ay mas mahusay sa pagsusuri, pangangatwiran, at paglutas ng mga problema. Ayon kina Oca ˜ na-Fern ´ andez et al. (2019), ang kakayahang umangkop sa teknolohiya ay nagdudulot ng mas mataas na antas ng kritikal na pag-iisip, dahil ang mga mag-aaral ay natututo ng mga makabagong paraan ng pag-aanalisa at pagsasagawa ng mga gawain. Table 12. Makabuluhang Impluwensya ng Kasanayan sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) Tungo sa Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental Domeyn ng Kasanayan sa Paggamit ng AI B S.E. Sig. Desisyon Pag-angkop sa Teknolohiya .063* .026 .015 Hindi Pagtanggap sa H 0 Interaktibong Pagkatuto .085* .025 .001 Hindi Pagtanggap sa H 0 Personalisasyon -.030 .030 .317 Pagtanggap sa H0 Pagsusuri ng Pag-unlad .030 .023 .202 Pagtanggap sa H0 Adjusted R2= 0.040 F-value = 4.474** p-value = 0.002 *Makabuluhang impluwensya sa p<0.05. Sa parehong paraan, ang Interaktibong Pagkatuto ay may makabuluhang impluwensya sa kritikal na pag-iisip, na may B na halaga na 0.085 (p=0.001). Ipinapakita nito na sa bawat yunit na pagtaas sa interaktibong paggamit ng AI, may katumbas na 0.085 yunit na pagtaas sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Ipinapakita nito na ang mga mag-aaral na mas aktibong nakikilahok sa mga interaktibong aktibidad gamit ang AI ay mas nagpapakita ng kasanayan sa pagsusuri, pangangatwiran, at paggawa ng mga lohikal na desisyon. Ayon kay Hou (2020), ang mga interaktibong aktibidad ay nagpapalakas sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paghikayat ng aktibong pakikilahok at pagsusuri sa mga impormasyon. Sa kabilang dako, ang Personalisasyon ay walang makabuluhang impluwensya sa kritikal na pag-iisip, na may B na halaga na -0.030 (p=0.317), na nagresulta sa pagtanggap sa null hypothesis. Ipinapakita nito na bagama’t ang AI ay maaaring magbigay ng mga personalisadong karanasan sa pagkatuto, hindi ito direktang nakakaapekto sa kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip. Ayon kina Hashim et al. (2022), ang personalisasyon ay mas nakatuon sa pagpapabuti ng kaginhawaan ng mag-aaral sa pag-aaral ngunit hindi nito awtomatikong nagpapalakas sa kanilang kasanayan sa pagsusuri at pangangatwiran. 23 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - Gayundin, ang Pagsusuri ng Pag-unlad ay wala ring makabuluhang impluwensya sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral, na may B na halaga na 0.030 (p=0.202). Ipinapakita nito na bagama’t ang AI ay maaaring magpakita ng progreso ng mag-aaral sa pag-aaral, hindi ito direktang nagpapahusay sa kanilang kritikal na pag-iisip. Ayon kay Celik et al. (2022), ang pagsusuri ng pag-unlad ay nagbibigay ng impormasyon sa kasalukuyang kalagayan ng mag-aaral ngunit hindi nito hinihikayat ang mas malalim na pagsusuri o pagninilay. Ang pangkalahatang pagsusuri ng modelo ay nagpapakita ng isang Adjusted R² na 0.040, na nangangahulugang 4 % ng pagbabago sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral ay maipapaliwanag ng mga domeyn ng kasanayan sa paggamit ng AI. Ang F-value na 4.474 (p=0.002) ay nagpapakita na ang modelo ay makabuluhan sa kabuuan, na nangangahulugang mayroong sapat na ebidensya na ang paggamit ng AI sa ilang aspeto ay may direktang epekto sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Gayunpaman, ang mababang Adjusted R² ay nagpapakita na may iba pang mga salik na mas mahalaga sa pagpapahusay ng kritikal na pag-iisip ng mga magaaral. Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay sumusuporta sa Bloom’s Taxonomy (1956), partikular sa antas ng Analysis at Evaluation, kung saan ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magsuri at magtasa ng impormasyon sa pamamagitan ng interaktibong pagkatuto. Gayundin, ito ay naaayon sa Technological Pedagogical Content Knowledge (TPACK) nina Mishra at Koehler (2006), na binibigyang-diin ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagpapayaman ng kasanayan sa pag-iisip ng mga mag-aaral. Sa kabilang banda, ito ay bahagyang sumasalungat sa Constructivist Learning Theory ni Vygotsky (1978), na nagbibigay-diin sa interaksyon ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral at guro bilang pangunahing salik sa pagkatuto, kaysa sa personalisasyon at pagsusuri ng pag-unlad na hindi nagpakita ng makabuluhang ugnayan sa kritikal na pag-iisip. 4. Konklusyon at Rekomendasyon Inilahad sa kabanatang ito ang konklusyon at mga rekomendasyon ng pag-aaral. Ang mga konklusyon ay nakuha mula sa pagsusuri ng mga datos na nakalap mula sa pag-aaral. 4.1. Mga Natuklasan—Isinagawa ang kasalukuyang pag-aaral upang tuklasin ang makabuluhang impluwensiya ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) tungo sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Ang mga napiling kalahok sa kasalukuyang pagaaral ay ang tatlong daan at tatlompu’t tatlo (333) mag-aaral sa antas ng sekundarya sa mga matataas na paaralan sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental. Ang instrumento sa kasalukuyang pananaliksik ay mga inangkop na mga talatanungan na nahahati sa dalawang bahagi. Ang mga talatanungan ay dumaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto upang masigurado ang validity at reliability nito. Ang lawak ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental ay karaniwang nasa mataas na antas, na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay madalas na gumagamit ng AI sa kanilang pag-aaral. Sa apat na domeyn, ang interaktibong pagkatuto ay pinaka-evidente, na nagpapakita na ang AI ay epektibong ginagamit upang gawing mas kawili-wili at makabuluhan ang karanasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kabilang dako, ang pag-angkop sa teknolohiya ay ang may pinakamababang antas, na nagpapahiwatig na bagama’t ang mga mag-aaral ay gumagamit ng AI, may mga pagkakataon na nangangailangan pa sila ng karagdagang 24 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - pagsasanay sa paggamit nito. Ang lawak ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental ay karaniwang nasa mataas na antas, na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay may kakayahang magsuri, mangatwiran, maglutas ng suliranin, at magtasa ng impormasyon. Sa mga domeyn, ang kasanayan sa pagsusuri ay pinakaevidente, na nagpapahiwatig na ang mga magaaral ay mahusay sa pagtukoy ng mahahalagang detalye at pag-unawa sa mga komplikadong ideya. Sa kabilang banda, ang kakayahang magtasa ay ang may pinakamababang antas, na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay may sapat na kasanayan sa pagsusuri ng kredibilidad ng mga mapagkukunan ngunit maaaring kailanganin ng mas malalim na paglinang. Ang mga resulta ay nagpapakita ng makabuluhang positibong ugnayan sa pagitan ng kabuuang kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental. Kabilang sa mga domeyn, ang interaktibong pagkatuto ay nagpapakita ng pinakamalakas na ugnayan, na nagpapakita na ang mga mag-aaral na mas aktibong gumagamit ng AI sa mga interaktibong aktibidad ay may mas mataas na kritikal na pag-iisip. Sa kabilang dako, ang personalisasyon at pagsusuri ng pag-unlad ay walang makabuluhang ugnayan sa kritikal na pag-iisip, na nagpapakita na ang mga aspektong ito ay hindi direktang nagpapahusay sa kanilang kakayahang magsuri at magtasa. Ang resulta ng pagsusuri sa regresyon ay nagpapakita na ang pag-angkop sa teknolohiya at interaktibong pagkatuto ay may makabuluhang impluwensya sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental. Ang interaktibong pagkatuto ay may pinakamalakas na epekto, na nagpapakita na ang mga mag-aaral na mas aktibong nakikilahok sa mga aktibidad na may AI ay mas mahusay sa pagsusuri at pangangatwiran. Sa kabilang dako, ang personalisasyon at pagsusuri ng pag-unlad ay walang makabuluhang impluwensya, na nagpapakita na ang mga aspeto ng AI na nakatuon sa personalisasyon at pagsubaybay ng progreso ay hindi direktang nagpapalakas sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. 4.2. Mga Konklusyon—Batay sa mga datos na isiniwalat sa ginawang pananaliksik, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: Ang mga natuklasan ay nagpapakita na ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa Distrito ng San Isidro South sa Davao Oriental ay karaniwang nasa mataas na antas, na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay madalas na gumagamit ng AI sa kanilang pag-aaral. Ipinapakita nito na ang AI ay isang mahalagang kasangkapan sa pagpapahusay ng kanilang karanasan sa pagkatuto, partikular sa aspeto ng interaktibong pagkatuto. Iminumungkahi na ang mga paaralan ay magpatuloy sa pagbibigay ng mga pagsasanay at gabay sa paggamit ng AI upang mas mapalakas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya. Ang mga natuklasan ay nagpapakita na ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa Distrito ng San Isidro South ay nasa mataas na antas, na nagpapahiwatig na ang mga mag-aaral ay mahusay sa pagsusuri, pangangatwiran, paglutas ng suliranin, at pagtatasa. Ipinapakita nito na ang mga mag-aaral ay nagtataglay ng mahalagang kasanayan sa kritikal na pag-iisip na kailangan sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na buhay. Iminumungkahi na ang mga guro ay magpatuloy sa pagbibigay ng mga aktibidad na nagpapalakas sa kritikal na pag-iisip, tulad ng problem-solving at debate. Ang mga natuklasan ay nagpapakita ng makabuluhang positibong ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at kritikal na pag-iisip ng mga magaaral. Ipinapakita nito na habang tumataas ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng AI, bahagyang tumataas din ang kanilang kakayahang mag-isip nang kritikal. Iminumungkahi na ang mga paaralan ay higit pang pagyamanin 25 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025
NIJSE (2025) - Australasian Journal of Educational Technology,38(5), 180–210. https://ajet.org.au/ index.php/AJET/article/view/7492 Yu, H., & Nazir, S. (2021). Role of 5g and artificial intelligence for research and transformation of english situational teaching in higher studies. Mobile Information Systems,2021(1), 3773414. https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1155/2021/3773414 Zhai, X., Chu, X., Chai, C. S., Jong, M. S. Y., Istenic, A., Spector, M., & Li, Y. (2021). A review of artificial intelligence (ai) in education from 2010 to 2020. Complexity,2021, 8812542. Zou, X., Su, P., Li, L., & Fu, P. (2024). Ai-generated content tools and students’ critical thinking. insights from a chinese university. IFLA Journal,50(2), 228–241. 32 ISSN 3028-1261 10.5281/zenodo.17755956/NIJSE.2025