Full text
E-STAR: NABUONG E-MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Rozanne Millen B. Mañozo, LPT, MAEd School of Graduate Studies, Laguna College of Business and Arts, City of Calamba, Laguna, Philippines https://doi.org/10.5281/zenodo.17786651 ABSTRACT Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang tumugon sa pangangailangan ng mga makabago at makabuluhang kagamitang pampagtuturo at pampagkatuto para sa Asignaturang Filipino. Ang ginamit na pamamaraan ng pananaliksik na ito ay Descriptive Developmental Design at sa pagtukoy ng mga kalahok, ginamit ang G*Power, at isinagawa ang Purposive Random Sampling upang mapili ang apatnapung (40) magaaral at dalawampung (20) guro mula sa Caritas Don Bosco School. Sa tulong ng iniangkop na standardized questionnaire, nakuha ang Cronbach Alpha coofficient na 0.940 para sa bisa at 0.884 para sa antas ng pagtanggap ng nabuong e-modyul, habang ang Lawshe Content Validity Index ay nagtamo ng 1.00 na nangangahulugang lubos na mahalaga ang mga katanungan sa pauna at panapos na pagtataya. Gamit ang four-point Likert Scale, Frequency, Mean, Percentage at Paired T-test. Ang mga natuklasan sa antas ng balidasyon ng nabuong E-modyul na may gamit ng teknolohiyang Augmented Reality ay Napakabisa, na may pangkalahatang pagtatasa na 3.74 para sa layunin, 3.70 sa konsepto, 3.74 sa paksa, 3.67 sa panuto, 3.73 sa pagsasanay, at 3.71 sa repleksyon. Samantala, sa antas ng pagtanggap sa e-modyul ay Lubos na Katanggap-tanggap, batay sa nagagamit, katumpakan, kaangkupan, kagamitan, at kahusayan ay nakakuha ng 3.69, 3.84, 3.68, 3.73, at 3.73 batay sa resulta. Lumitaw din ang makabuluhang pagtaas sa kaalaman ng mga mag-aaral batay sa mean difference na -15.875 sa pagitan ng pauna at panapos na pagtataya. Ipinakita nito na naging epektibo ang nabuong e-modyul na may teknolohiyang Augmented Reality sa pagpapataas ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 11 – STEM Engineering. Sa Kabuuan, ang kinalabasan ng pananaliksik, at ang nabuong awtput ay ang E-STAR: Nabuong E-modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay ibinahagi upang
971 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com makatulong sa mas mahusay na pagpapatupad ng kurikulum at gabay tungo sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Susing Salita: nabuong e-modyul, augmented reality, Filipino, komunikasyon at pananaliksik, baitang 11 PANIMULA Sa mabilis na pagbabago at pag-unlad ng teknolohiya, hindi maikakaila ang mahalagang papel nito sa pagpapabuti ng edukasyon. Sa kasalukuyan, sa iba't ibang panig ng mundo, itinuturing na pangunahing kasangkapan sa digital na pagkatuto at pagtuturo ang e-modyul bilang isang mahalagang sangkap sa makabagong sistema ng pagkatuto at pagtuturo. Bukod sa e-modyul, ang integrasyon ng Augmented Reality (AR) ay nagdadala ng mas makabagong dimensyon sa proseso ng pagkatuto. Mabilis na nakilala ang Augmented Reality bilang kasangkapan para mapabuti ang karanasan sa pag-aaral sa iba't ibang asignatura, kung saan isinasama ito sa kurikulum upang mas malinaw na maipakita ang mga mahahalagang konsepto, partikular sa mga asignaturang nangangailangan ng biswal na presentasyon tulad ng agham, matematika, at wika. Sa ganitong paraan, hindi lamang napadali ang pag-unawa ng mag-aaral sa mga abstraktong ideya, kundi natutulungan din silang magkaroon ng mas mataas pang antas ng motibasyon at interes sa pag-aaral. Gayunpaman, isang malaking hamon sa Pilipinas ang makasabay sa paggamit ng makabagong teknolohiyang tulad ng Augmented Reality. Binigyang-diin ni Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Angara (gaya ng nabanggit sa artikulo ni Tuazon, 2024), ang kahalagahan ng integrasyon ng teknolohiya sa edukasyon, lalo na para sa kabataang sanay na sa paggamit ng mga smartphone. Sa kabilang banda, ikinalungkot niya ang mabagal na pagsasama ng teknolohiya sa sistema ng edukasyon, partikular na sa mga paaralang pinamamahalaan ng Kagawaran. Sa ganitong konteksto, ang pagsulong ng mga proyektong pang-edukasyon tulad ng Augmented Reality ay nagsilbing isang hakbang tungo sa mas modernong sistema ng edukasyon na naaayon sa pangangailangan ng makabagong henerasyon. Bukod pa rito, sa kabila ng mga benepisyong dulot ng teknolohiya, isang hamon ang pag-angkop nito sa mga asignatura tulad ng Filipino, partikular sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Marami sa mga kagamitang pampagtuturo at pagkatuto ang tunay na nahihirapang makibagay sa mga bagong teknolohiya, ito ay dahil sa kakulangan ng kaukulang mga kasanayan o angkop na kagamitan na siyang makapupukaw ng interes ng mga mag-aaral at makapagpapataas pa ng akademikong pagganap ng mga magaaral. Sa kabilang dako, ang mismong asignaturang Filipino ay kadalasang itinuturing na mas nakatuon sa tradisyunal at simpleng paggamit ng powerpoint at simpleng e-modyul na paraan ng pagtuturo na maaaring maging hadlang sa mabilis na integrasyon ng mga teknolohikal na inobasyon tulad ng Augmented Reality. Ayon sa ulat ni Juancho (2023), dapat binigyang pansin ng mga gurong nagtuturo ng Asignaturang Filipino ang pag-aaral sa tamang paggamit ng makabagong teknolohiya, ito ay upang higit na malinang ang
972 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com kanilang kakayahan at mapabuti pa ang kanilang kasanayan sa teknolohiya, pedagohiya, at kaalamang pangnilalaman. Kaya naman, ang pag-aaral na ito ay naglayong makabuo ng isang makabagong emodyul para sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na may gamit ng teknolohiyang Augmented Reality, at patunayan ang kabisaan at pagtanggap nito sa pamamagitan ng masusing balidasyon. Sa pamamagitan ng hakbang na ito, inaasahan na makasasabay ang Asignaturang Filipino sa iba pang asignatura sa pagunlad ng kanilang kaalaman, kasanayan, at pagkamalikhain, na nagresulta sa mas mataas na antas ng akademikong pagganap at paghahanda sa hamon ng makabagong panahon. Bukod dito, hinangad ng pag-aaral na higit pang mapalaganap at mapalalim ang pagmamahal at pagpapahalaga sa Asignaturang Filipino, bilang pundasyon sa paghubog ng isang makabago at malikhaing na lipunan. Higit pa rito, naglalayon ding ipakilala at itaguyod ang paggamit ng mga makabuluhan at bagong materyales na nagsilbing saligan para sa mas epektibong proseso ng pagkatuto at pagtuturo sa larangan ng edukasyon. Paglalahad ng Layunin Ang pananaliksik na ito ay naglayon na makapaghanda at makapagtaya ng isang Emodyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Inaasahang nakatulong ang e-modyul na ito upang tugunan ang kakulangan sa mga materyales sa pagtuturo at nakapagbigay ng karagdagang mapagkukunan upang maging mas epektibo ang edukasyon sa Filipino gamit ang makabagong teknolohiyang augmented reality sa Emodyul. Kaugnay nito, ang sumusunod na layunin ay pinagsikapang makamit: 1. Makabuo ng E-modyul na may integrasyon ng Augmented Reality sa ilang aralin ng Ikaapat na Markahan sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ng Baitang-11 na umiiral sa kurikulum ng K-12; 2. Mapagtibay ang balidasyon sa kabisaan at pagtanggap ng disenyo ng emodyul na may integrasyon ng Augmented Reality sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 3. Matukoy ang resulta ng Pagtataya sa pamamagitan ng pauna at panapos na pagtataya ng mga mag-aaral ng Baitang-11 STEM Engineering hinggil sa paggamit ng emodyul na may integrasyon ng Augmented Reality sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. METODOLOHIYA Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kwantitatibo, partikular ang disenyo ng pananaliksik na “Descriptive Developmental” na pamamaraan ng pananaliksik upang matukoy ang balidasyon at pagpapatibay ng ginawang E-modyul na may gamit ng
973 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com teknolohiyang Augmented Reality. Ginamit din ng mananaliksik ang Design and Development Research Method. Ito ay binigyan kahulugan nina Govindasamy et al. (2023), ang Pananaliksik sa Disenyo at Pagpapaunlad (Design and Development Research o DDR) ay isang sistematikong pag-aaral ng proseso ng disenyo, pagpapaunlad, at pagsusuri para sa paggawa ng mga kagamitang panturo at di-panturo. Sa kasalukuyan, ang metodolohiyang DDR ay isang tanyag na pamamaraan sa pananaliksik pang-edukasyon. Sa ganitong konteksto, ginamit ng pag-aaral na ito ang ADDIE bilang modelo sa pagpapaunlad upang masiguro na ito ay makatotohanan gayundin na sinuri at pinagtibay ng mga eksperto sa larangan ng asignaturang Filipino. Sinabi sa pag-aaral nina Abuhassna et al. (2024), na ang modelong ADDIE para sa disenyo ng pagtuturo ay matagumpay na naisama sa teknolohiya upang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto sa iba't ibang kontekstong pang-edukasyon. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng purposive sampling na teknik na nakasangkot ang mga piling mag-aaral sa Baitang-11 mula sa pangkat ng STEM– Engineering istrand, na may kabuoang populasyon na apatnapu’t apat (44) na mag-aaral at dalawampu (20) guro sa Asignaturang Filipino sa Caritas Don Bosco School, sa Dibisyon ng Biñan. Ginamit ang purposive sampling na isang non-probability na paraan ng pagpili ng kalahok, kung saan ginamit ng mananaliksik ang kaniyang kadalubhasaan sa pagpili ng mga tiyak na indibidwal na nakatulong upang matugunan ang mga layunin ng pananaliksik. Ang ginamit sa pag-aaral ay isang pinagtibay na instrumento mula kay Guianan (2024), na pananaliksik. Binuo ito ng dalawang bahagi, ang instrumento ng pananaliksik para sa pagsusuri ng mga eksperto. Sinuri ng Bahagi 1 ang bisa ng mga nabuong emodyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino gamit ang teknolohiyang Augmented Reality para sa Baitang-11 STEM Engineering. Ginamit ng mananaliksik ang talatanungan para sa mga respondante ito’y upang mataya ang kabisaan ng nabuong emodyul sa layunin, konsepto, paksa, panuto, pagsasanay, at repleksyon na nakapaloob ang paksang ginamit sa tulong ng pinakitang iskala sa ibaba. Puntos Karampatang Puntos Interpratasyon 4 3.26 – 4.00 Napakabisa (N) 3 2.51 – 3.25 Mabisa (M) 2 1.76 – 2.50 Di-gaanong Mabisa (DM) 1 1.00 – 1.75 Walang Bisa (WB) Sinuri naman ng Bahagi 2 ang pagiging katanggap-tanggap ng mga nabuong emodyul sa pagtuturo ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 STEM Engineering. Ginamit ang iskala sa pag-aaral na ito upang maging ganap, katanggap-tanggap, at mailahad ang antas ng pagtanggap sa e-modyul batay sa nagagamit, katumpakan, kaangkupan, kagamitan, at kahusayan ng nagawang e-modyul gamit ang teknolohiyang augmented reality nang sa ganoon ay magkaroon ng batayan sa pagpapakahulugan
974 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com Puntos Karampatang Puntos Interpratasyon 4 3.26 – 4.00 Lubos na Katanggap-tanggap (LK) 3 2.51 – 3.25 Mas Katanggap-tanggap (MK) 2 1.76 – 2.50 Katanggap-tanggap (K) 1 1.00 – 1.75 Hindi Katanggap-tanggap (HK) Bukod rito, ang pauna at panapos na pagtataya para sa Ikaapat na Markahan ay binigay sa mga respondante upang matukoy ang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at panapos na pagtataya. Ang mga resulta ng pagganap ay binigyang kahulugan gamit ang mga antas ng kasanayan. Pinaghanguan: Kagawarang Pangkautusan Blg 8, S. 2015 (Panuntunan sa pansilid na pagtataya sa k-12 Kurikulum) Level Percentage Lubhang Kalugod-lugod 90-100 Nakalulugod 85-89 Katamtaman/Bahagya 80-84 Maaari nang tanggapin 75-79 Hindi nakamit ang inaasahang produkto/resulta Below 75 Ang pauna at panapos na pagtataya ay isinulat ng mananaliksik upang masukat ang kaalaman ng mga kalahok batay sa mga paksang tinalakay sa e-modyul. Binubuo ito ng limampung (50) aytem na pantay-pantay ang distribusyon sa limang (5) aralin. Bawat aralin ay binigyan ng tig-sampung (10) aytem upang matiyak na sapat ang representasyon ng bawat paksa sa pagsusulit. Ang pantay na pagkakahati ng mga aytem ay nakatutulong sa balanse at makatarungang pagtataya ng kaalaman ng mga mag-aaral sa bawat aralin. Sa pagpaunlad at balidasyon ng nabuong e-modyul para sa mga mag-aaral ng Baitang-11 STEM Engineering sa asignaturang Filipino sa Caritas Don Bosco School, gumamit ang mananaliksik ng isang istandardisadong talatanungan batay sa modelo ng ADDIE. Pagkatapos, ipinasa ng mananaliksik ang pinaunlad na talatanungan sa tagapayo, balidaytor, at mga dalubhasa sa asignaturang Filipino at nakuha ang mga mungkahi para sa pagbabago at pagwawasto ng mga katanungan. Ang wastong gamit ng mga salita, pangungusap, at pagkakaakma ng mga tanong ay siniyasat nang mabuti ng mga dalubhasa bago ito ipinasagot sa mga respondante. Sa pagpatunay ng mga nabuong E-modyul para sa Baitang-11 STEM Engineering, gumamit ang mananaliksik ng isang standardized questionnaire para sa pagsusuri ng mga eksperto. Ang ginamit na standardized questionnaire ay inangkop na instrumento mula sa isang pag-aaral na ginawa ni Guianan (2024). Ang Cronbach Alpha coefficient na nakuha mula sa instrumento ay 0.940 para sa bisa (validity) at 0.884 para sa pagtanggap (acceptability). Upang matiyak na magagamit ang hiniram na talatanungan ay una,
975 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com ipinaalam sa may-ari ng pananaliksik na si G. Thomson L. Guianan ang paggamit ng talatanungan na may titulong “TITO: Ang Nabuong Tasadong Interaktibong Talakayang Oplan para sa Baitang 11”, bilang pagpahayag na pahintulot sa ginawa at binalidong talatanungan ng mga eksperto para sa kasalukuyang pananaliksik. Pangalawa, nagbigay ng liham ang mananaliksik sa tagapayo ng pananaliksik at sa dekano ng Paaralang Gradwado ng Laguna College of Business and Arts para sa pag-apruba sa paggamit ng hiniram na talatanungan. Ang mananaliksik ay bumuo ng pauna at panapos na pagtataya para sa pananaliksik na ito. Ipinabasa ang nabuong talatanungan sa mga eksperto at sa ilang mga dalubguro sa Filipino upang mabigyan ng tamang balidasyon. Ipinabatid din ng mananaliksik ang ginawang talatanungan upang humingi ng mungkahi para sa anumang kakailanganing pagbabago at pagsaayos ng mga talatanungan. Ang esensya, gramatika, at estruktura ay nirepaso bago ipasagot sa mga respondante. Nagbigay din ng karagdagang pagbabago at mungkahi ang mga eksperto at mga guro upang lalong maging epektibo ang talatanungan para sa mga mag-aaral. Sinikap din tiyakin kung ang mga katanungan ay nauunawaan ng mga respandante. Ang Lawshe Content Validity Index ng pauna at panapos na pagtataya ay nagtamo ng 1.00 na nangangahulugang lahat ng eksperto ay lubos na sumang-ayon na ang bawat katanungan sa pagtataya ay mahalaga at angkop para sa layunin ng pananaliksik. Ang mga ipinayong pagbabago o pagsasaayos sa anumang bahagi ng talatanungan ay lubos na tinanggap ng mananaliksik upang mas mapaganda at mapabuti ang pag-aaral. Pagkatapos ng pag-apruba, isinagawa ng mananaliksik ang administrasyon at pagpatupad ng mga kinakailangang proseso. Unang isinagawa ang paunang pagtataya gamit ang isang 50 aytem na pagsusulit upang matukoy ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral na respondante. Ang pagsusulit na ito ay dumaan sa masusing balidasyon upang matiyak ang kaugnayan at bisa nito. Matapos maisagawa ang paunang pagtataya, ipinatupad ang paggamit ng nabuong e-modyul na sumasaklaw sa lahat ng paksang kinakailangan para sa pag-aaral. Sa panahon ng paggamit ng emodyul, tinitiyak ng mananaliksik na natamo ng mga respondanteng mag-aaral ang mga layunin ng aralin. Pagkatapos magamit at matapos ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi ng e-modyul, isinagawa ang panapos na pagtataya gamit ang kaparehong 50 aytem na pagsusulit. Ang layunin nito ay masukat ang pagbabago sa resulta at matukoy kung nagkaroon ng makabuluhang pagkatuto at pag-unlad sa kaalaman ng mga respondante batay sa mga paksang tinalakay sa nabuong e-modyul na may gamit na teknolohiyang Augmented Reality. Pinagsama-sama ng mananaliksik ang lahat ng mga resulta at inihanda ito para sa interpretasyon at pagsusuri. Gamit ng four-point likert scale, Frequency, Mean, Percentage, at Paired T-test.
976 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com RESULTA AT TALAKAYAN Unang Layunin. Pagbuo ng E-modyul na may Integrasyon ng Augmented Reality sa ilang aralin ng Ikaapat na Markahan sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ng Baitang-11 na umiiral sa Kurikulum ng K-12. Ang mga kagamitang panturo na binuo para sa Baitang-11 sa asignaturang Filipino ay ang nabuong e-modyul na ginamitan ng teknolohiyang Augmented Reality (AR). Ang mga ito ay nakatuon para sa paggamit sa Ikaapat na Markahan at tumalakay sa mahahalagang konsepto at pangunahing paksa sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Layunin ng mga kagamitang ito na gawing mas interaktibo, makabuluhan, at kontekstuwal ang proseso ng pagkatuto. Upang higit na maging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, isinama sa mga e-modyul ang mga impormasyon, halimbawa, at praktikal na pagsasanay na kaugnay ng kanilang araw-araw na karanasan at kasalukuyang kalagayan sa lipunan. Sa ganitong paraan, naging mas madali para sa mga mag-aaral na maunawaan at mailapat ang kanilang natutuhan sa mga tunay na sitwasyon sa kanilang kapaligiran. Naging batayan ang Cognitive Theory of Multimedia Learning sa nabuong emodyul na nagpaliwanag kung paano mas epektibong natututo ang mga mag-aaral kapag pinagsasama ang teksto, tunog, at biswal na elemento sa iisang midyum. Kaugnay nito, ginamit din ang ADDIE Model bilang sistematikong gabay sa disenyo, pagbuo, at aplikasyon ng mga kagamitang panturo. Sa pamamagitan ng modelong ito, natiyak ang maingat na pagpaplano, malikhaing pagdidisenyo, epektibong implementasyon, at ang patuloy na ebalwasyon upang Maganda ang kalidad ng mga nabuong e-modyul. Bawat gawain ay sinuri at inaprubahan bago ito isinama sa pinal na bersyon ng emodyul upang matiyak ang angkop na antas ng kahirapan at kaayusan. Isinagawa ang pinal na pagtataya at masusing obserbasyon mula sa mga guro sa asignaturang Filipino upang suriin ang kabuoang kalidad ng e-modyul mula sa nilalaman, organisasyon, interaktibong bahagi, hanggang sa aplikasyon ng Augmented Reality. Sinuri rin kung naging epektibo ang mga layunin sa bawat bahagi ng e-modyul sa pagsukat ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral. Batay sa mga mungkahing natanggap mula sa mga tagapayo, isinagawa ang mga kinakailangang rebisyon sa ilang bahagi ng e-modyul at Augmented Reality na nilalaman upang mapabuti pa ito. Matapos ang mga hakbang na ito, ipinamahagi ang e-modyul sa mga piling mag-aaral para sa aktwal na paggamit sa silidaralan. Sa ulat nina Maison et al. (2022), na ang elektronikong modyul o e-modyul ay isa sa mga makabagong anyo ng teknolohikal na inobasyon na umusbong mula sa mga tradisyunal na nakaimprentang e-modyul na matagal nang bahagi ng sistemang pangedukasyon. Sa pag-unlad ng panahon at sa patuloy na pagsulong ng teknolohiya, naging mahalagang bahagi na ito ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Dahil dito, ang e-modyul ay nagsilbing mabisang alternatibo sa mga pisikal na aklat at tradisyunal na gabay sa pagaaral.
977 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com Ikalawang Layunin. Pagtibayin ang Balidasyon sa Kabisaan at Pagtanggap ng Disenyo ng E-modyul na may Integrasyon ng Augmented Reality sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ang mga kagamitang panturo para sa Baitang-11 na binuo ng mananaliksik ay sumailalim sa masusing pagsusuri ng mga eksperto upang mataya ang pangkalahatang bisa at antas ng pagtanggap. Ginamit sa balidasyon ang itinakdang pamantayan na kinabibilangan ng: Layunin, Konsepto, Paksa, Panuto, Pagsasanay, at Repleksyon. Samantala, sa pagtukoy ng antas ng pagtanggap sa binuong e-modyul para sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11, isinasaalang-alang ang sumusunod na kategorya: Nagagamit, Katumpakan, Kaangkupan, Kagamitan, at Kahusayan. Isinagawa ang ebalwasyon gamit ang iskalang panukat mula 1 hanggang 4, kung saan ang 1 ay nangangahulugang pinakamababa at ang 4 ay tumutukoy sa pinakamataas na antas ng pagsang-ayon sa kalidad ng e-modyul. 2.1 Antas ng Balidasyon 2.1.1 Layunin Ang Layunin ay nakakuha ng Napakabisa (3.74) sa pagtataya sa antas ng balidasyon ng mga guro sa E-modyul sa pagtuturo ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 gamit ang teknolohiyang Augmented Reality. Sa karagdagan, ang lumabas na ang e-modyul ay “May kaugnayan sa mga paksa ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino” at “Tiyak at malinaw ang paglalahad” ay may pinakamataas mean na 3.85 na nangangahulugan na Napakabisa. Ang mga E modyul ay “Natapos sa itinakdang oras” ay siyang may pinakamababang pagtatasa na 3.50 na nangangahulugan na Napakabisa. Talahanayan 2.1.1 Pagtataya sa Antas ng Balidasyon ng mga Guro ng E-modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 ng mga Mag-aaral batay sa Layunin Tagapagpahiwatig ayon sa Layunin X VI 1. May kaugnayan sa mga paksa ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. (Relevant to the topics in the subject) 3.85 N 2. Tiyak at malinaw ang paglalahad (Specific and clearly stated) 3.85 N 3. Nasusukat (Measurable) 3.70 N 4. Nagagawa (Attainable) 3.80 N 5. Angkop ang kinalabasan (Result – oriented) 3.75 N 6. Natapos sa itinakdang oras (Time – bound) 3.50 N Pangkalahatang Pagtatasa 3.74 N
978 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com Legend: 3.26 – 4.00 Napakabisa (N) 2.51 – 3.25 Mabisa (M) 1.76 – 2.50 Di-gaanong Mabisa (DM) 1.00 – 1.75 Walang Bisa (WB) Isinaad nito na ang E-modyul na may gamit ng teknolohiyang Augmented Reality sa asignaturang Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ayon sa Layunin ay Napakabisa. Ipinabatid ng mga kinalabasan na ang mga layunin sa pagkatuto ay may malinaw na kaugnayan sa paksa at nakaayon sa pinakamahahalagang kasanayan sa pag-aaral. Ginamit ang mga layuning ito bilang gabay ng mga mag-aaral habang isinasagawa nila ang aralin, at upang matukoy ang kanilang pag-unlad sa pagkatuto. Kaugnay nito, ang malinaw at maayos na layunin ay nagsilbing gabay sa mga mag-aaral sa kanilang muling pag-aaral gamit ang mga kagamitan at sa kanilang paghahanda para sa mga pagsusulit. Sa kabuoan, ang mga layunin sa pagkatuto ay isa sa pinakamakapangyarihang bahagi ng kagamitang panturo, lalo na kung ito ay tiyak, malinaw, malayang naisagawa, at nasusukat. Gaya ng nakasaad sa pag-aaaral nina Liu at Yun (2024), na ang mga layunin sa pagkatuto ay may mga mahalagang papel sa pag-uugnay ng pagtuturo, pagkatuto, at pagtatasa upang maisulong ang epektibong edukasyon. Ang malinaw, pare-pareho, at makatotohanang layunin na sama-samang sinusunod ay susi sa pagkakaroon ng pagkakaugnay at pagkakaisa sa edukasyon. Ginagamit ang mga ito bilang gabay sa pagpaplano ng mga gawaing panturo, sa pagtiyak ng kaugnayan ng mga pagtatasa, at sa pagpapadali ng mabisang komunikasyon sa pagitan ng mga mag-aaral, guro, magulang, at mga administrador. Nilinaw din sa pag-aaral nina Juliani at Winarsih (2023), na ang matagumpay na layunin sa pagkatuto ay maaaring makamit sa pamamagitan nang maayos at epektibong proseso ng pagkatuto. Kapag ang proseso ng pagkatuto ay maingat na naiplano at naisakatuparan na may malinaw na direksyon, makabuluhang mga gawain, at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral ay mas nagiging posible ang pag-abot sa mga itinakdang layunin. Sa ganitong paraan, mas lumalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral, tumitibay ang kanilang kasanayan, at mas nagiging handa sila sa pagsasabuhay ng kanilang mga natutunan. Samakatuwid, ang mahusay na layunin sa pagkatuto ay bunga ng isang masinop, sistematiko, at epektibong proseso ng pagkatuto. 2.1.2 Konsepto Ang Konsepto ay nakapagtamo ng Napakabisa (3.70) sa pagtataya sa antas ng balidasyon ng mga guro sa E-modyul sa pagtuturo ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 gamit ang teknolohiyang Augmented Reality. Sa karagdagan, ang mga tagapagpahiwatig na ang e-modyul ay “Nagbibigay ng saloobin at ideya tungkol sa mga Gawain” at “Nagaganyak ang mga magaaral na sagutan ang mga gawain” ay may pinakamataas mean na 3.80 na nangangahulugang Napakabisa. Ang mga E-modyul ay “Nagbibigay ng pagbabaliktanaw sa konsepto at impormasyon tungkol sa paksa na kailangan solusyonan” ay siyang may pinakamababang pagtatasa na 3.55 na nangangahulugang Napakabisa.
985 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com 5. Nakapagninilay ang guro sa resulta ng Gawain batay sa mga pamantayan o rubriks. (The teacher reflects on the results of the Task based on the standards or rubrics) 3.70 N Pangkalahatang Pagtatasa 3.71 N Legend: 3.26 – 4.00 Napakabisa (N) 2.51 – 3.25 Mabisa (M) 1.76 – 2.50 Di-gaanong Mabisa (DM) 1.00 – 1.75 Walang Bisa (WB) Ang Repleksyon naman ay malinaw na lumitaw ang Napakabisa (3.71) sa pagtataya sa antas ng balidasyon ng mga guro sa E-modyul sa pagtuturo ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 na may teknolohiyang Augmented Reality. Batay ito, ang tagapagpahiwatig na ang emodyul ay “Nagbibigay ng saloobin sa guro kung nangangailangan ng tulong sa pagaaral” ay may pinakamataas mean na 3.75 na nangangahulugan na Napakabisa. Ang mga e-modyul ay “Mahihikayat ang mag-aaral para maibahagi ang karanasan ayon sa natutunan”, “Maging inspirasyon sa pagbuo ng mga inobasyon at makagawa ng iba’t ibang paraan ng pagsusulit para sa pagkatuto ng mag-aaral”, “Nakahihikayat ng mga mag-aaral na ipahayag ang saloobin kaugnay ng pagkatuto”, at “Nakapagninilay ang guro sa resulta ng Gawain batay sa mga pamantayan o rubriks” ay nakakuha ng pparehas na pinakamababang pagtatasa na 3.70 na may berbal na interpretasyon na Napakabisa. Napag-alaman na ang nabuong e-modyul na may teknolohiyang Augmented Reality sa asignaturang Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ay nakapag-ulat ng Napakabisa ayon sa Repleksyon Ang pinakamataas na marka na nakuha ng e-modyul ay nauugnay sa kakayahan nitong magbigay ng tulong sa guro sa pag-unawa ng kanilang pangangailangan at sa pagpadali ng kanilang proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa mga mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral ay nagpakita na ang e-modyul ay malinaw at tumutok sa mga layunin at alituntunin sa pagkatuto, kaya naman natutulungan nito ang guro sa pagpaplano at pagsubok ng mga bagong pamamaraan sa pagtuturo. Samantala, ang ilang bahagi ng e-modyul na nakatuon sa pagpapalakas ng kasanayan ng mag-aaral sa pagbabahagi ng kanilang mga karanasan, inobasyon sa pagsusulit, at pagpapahayag ng kanilang mga saloobin ay nakakuha ng medyo mababang resulta. Ito ay dahil sa hindi sapat na pagkakataon o mekanismo para sa mga mag-aaral na tunay na maranasan ang mga aspekto ng inobasyon o pagbabahagi ng kanilang mga natutunan sa mas malalim na paraan. Ang pagkakaroon ng mga bahaging ito na nagtangkang mag-udyok ng aktibong partisipasyon at pagsusuri mula sa mag-aaral ay maaaring mas maging epektibo kung mas maraming gabay o pagkakataon para sa pagpalawig ng mga diskusyon at pagsasanay. Gayunpaman, kahit na ang mga bahaging ito ay nakatanggap ng pinakamababang marka, ang kabuoang pagtataya at pagsusuri ay nagpakita ng matagumpay na implementasyon ng e-modyul na may mga lugar na maaari pang mapabuti upang lalo pang mapalakas ang epekto nito sa pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro. Sa panig ng mga eksperto na sina Indrašienė et al. (2023), na inilahad na ang masusing pagninilay ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang karanasan sa pagkatuto ng kritikal na pag-iisip ay nangangailangan talaga ng mas malalim na ugnayan sa sarili at pakikipag-ugnayan sa kapwa, gayundin ng kakayahang iangkop ang mga teoryang
986 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com natutunan sa aktuwal na sitwasyon. Sa ganitong paraan, nagiging mas makabuluhan at may saysay ang kanilang pagkatuto dahil naiuugnay nila ito sa tunay na buhay. Samantala, nilinaw nang maayos ni Jelešković (2023), na ang repleksyon sa karanasan sa pagtuturo ay mahalaga para sa patuloy na pagkatuto ng mga guro. Ito ay dahil nagsisilbing daan upang mapahusay nila ang kanilang mga pamamaraan, mapagtibay din ang kanilang propesyonalismo, at mas higit na epektibong matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang repleksyon ay mahalagang kasangkapan sa pag-unlad ng pagkatuto at pagtuturo, sapagkat ito ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng kaalaman at pagpapahusay ng sariling kakayahan. Kaakibat ng pahayag na ito, sinuri nina Santos-Meneses (2023), na ang pagninilay ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang karanasan sa pagkatuto ng kritikal na pag-iisip ay nakaugat sa pakikipag-ugnayan sa sarili at sa iba. Sa konteksto ng pagkatuto ng mga nasa hustong gulang sa pamamagitan ng Problem-Based Learning (PBL) at e-learning, nagiging higit na makabuluhan ang ganitong uri ng pagninilay. Sa mga pamamaraang ito, hinihikayat ang mga mag-aaral na mag-isip nang mas malalim, magpakita ng inisyatiba, at aktibong nailapat ang kanilang natutuhan sa mga totoong suliranin na siyang nagpalawak at nagpalalim sa kanilang kritikal na pag-iisip. 2.2 Antas ng Pagtanggap Upang higit masuri ang antas ng pagtanggap sa binuong e-modyul bilang materyales sa pagkatuto at pagtuturo, isinama dito ang sumusunod na aspekto: nagagamit, katumpakan, kaangkupan, kagamitan at kahusayan. Tiniyak ng mananaliksik na ang mga impormasyon sa e-modyul na may teknolohiyang Augmented Reality ay malinaw at maayos na naipahayag. Bukod dito, ang e-modyul ay nagbigay ng pagkakataon upang mapalawak at mapagyaman ang lokal na kamalayan. Panghuli, ang mga nabuong mga e-modyul na nilikha para sa pagtuturo ay sadyang angkop at nauugnay sa paksa. 2.2.1 Nagagamit Ang Nagagamit ay nakapagtala ng Lubos na Katanggap-tanggap (3.69) sa antas ng pagtanggap ng mga guro sa E-modyul sa pagtuturo ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 na may teknolohiyang Augmented Reality. Sa karagdagan, ang tagapagpahiwatig na “Ang E-modyul ay may kaakibat na layunin” ang nakakuha ng pinakamataas na mean na 3.80 na may berbal na interpretasyon na Lubos na katanggap-tanggap. Samantala ang mga tagapagpahiwatig na “Ang E-modyul ay malaya sa teknolohiyang suliranin” at “Ang mga larawan at kulay ay humuhubog sa pagpapakatao ayon sa programang itinakda” ang nakakuha ng pinakamababang mean na 3.60 at may berbal na interpretasyon na Lubos na katanggaptanggap.
987 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com Talahanayan 2.2.1 Pagtataya sa Antas ng Pagtanggap ng mga Guro ng E-modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 ng mga Mag-aaral batay sa Nagagamit Tagapagpahiwatig ayon sa Nagagamit X VI 1. Ang E-modyul ay malaya sa teknolohiyang suliranin (E-module is free of technical problems) 3.60 LK 2. Ang E-modyul ay kayang gamitin mag-isa. (E-module is selfinstructed) 3.75 LK 3. Ang mga larawan at kulay ay humuhubog sa pagpapakatao ayon sa programang itinakda. (Graphics and color increase the instructional value of the program.) 3.60 LK 4. Ang E-modyul ay may kaakibat na layunin. (e-module serves its purpose) 3.80 LK 5. Ang E-modyul ay nagpapabilis sa pagkakaroon nang agarang komunikasyon. (E-module provides authorized east access) 3.70 LK Pangkalahatang Pagtatasa 3.69 LK Legend: 3.26 – 4.00 Lubos na Katangap-tanggap (LK) 2.51 – 3.25 Mas Katangap-tanggap (MK) 1.76 – 2.50 Katangap-tanggap (K) 1.00 – 1.75 Hindi Katangap-tanggap (HK) Natuklasan na ang nabuong E-modyul ayon sa Nagagamit ay nakapagdulot ng Lubos na Katanggap-tanggap sa mga guro sa Asignaturang Filipino. Tulad ng makikita sa datos, ang paggamit ng e-modyul na may kasamang teknolohiyang Augmented Reality ay epektibong nagagamit ng mga mag-aaral. Nilinaw din na ito ay hindi nakararanas ng suliraning teknikal, malinaw at angkop ang mga larawang ginamit, at nakatutulong sa mas mabilis na daloy ng komunikasyon. Ipinakita ng mga datos na ito ay isang makabuluhang kagamitan na tumutulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon at pagkatuto sa iba’t ibang asignatura. Mahalaga ang papel ng e-modyul sa pag-aaral sapagkat ito ay tumutulong sa mas malinaw na pag-unawa, nagpapalalim ng kritikal na pag-iisip, at nagbibigay ng mas makabuluhang karanasan sa pagkatuto. Isa itong inobasyon na inaasahang magpapatuloy sa pagbibigay ng positibong pagbabago sa epektibong proseso ng pagkatuto at pagtuturo. Sa isinagawang pag-aaral nina Kholiduni’am et al. (2023), ang paggamit ng mga e-modyul ay makatutulong upang gawing mas kaakit-akit, mas madaling maunawaan, at mas epektibo ang proseso ng pagkatuto. Sa pamamagitan ng mga multimedia tulad ng mga larawan, animasyon, at video, nagiging mas interaktibo at mas nakakaengganyo ang mga aralin. Ang mga e-modyul ay hindi lamang nagpapadali sa pag-unawa ng mga konsepto, kundi nagbibigay din ng iba't ibang paraan ng pagkatuto na naaayon sa pangangailangan at estilo ng bawat mag-aaral. Sa ganitong paraan, mas napapalawak at nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na matutunan ang mga aralin sa sarili nilang bilis at Estilo kung kaya't tumataas ang kanilang antas ng pagkatuto at aktibong partisipasyon sa klase. Ang integrasyon ng multimedia sa mga e-modyul ay nagiging
988 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com daan din para sa mas epektibong pagtuturo at mas mataas na ugnayan, na nagiging susi sa mas matagumpay na pagkatuto sa makabagong panahon. Isinaad naman sa pag-aaaral nina Chen at Srimadona (2023), na positibo ang naging pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa e-modyul sapagkat ito ay tumulong upang higit nilang maunawaan ang mahahalagang konsepto sa aralin. Hindi lamang ito nagsilbing karagdagang kagamitan, kundi isa ring mahalagang kasangkapan na nagbibigay ng masigla, makabago, at nakakaengganyong paraan ng pagkatuto. Dahil sa paggamit ng teknolohiya, naging mas magaan at mas kawili-wili para sa mga mag-aaral ang pag-aaral ng mga paksang may mataas na antas ng kahirapan. Sa tulong ng interaktibong nilalaman ng e-modyul mas napalalim pa ang kaalaman ng mga mag-aaral habang napanatili ang kanilang atensyon at interes. Bukod dito, nakatulong din ito sa mga guro upang mapadali ang kanilang pagtuturo ay matiyak na ang tunay na nauunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang aralin. Sa kabuoan, ang e-modyul ay nagagamit hindi lamang sa teorya kundi maging sa aktwal na sitwasyon sa loob ng silid-aralan, kaya’t isa itong mahalagang ambag sa makabagong edukasyon. 2.2.2 Katumpakan Ang Katumpakan ay nakakuha ng Lubos na Katanggap-tanggap (3.48) sa antas ng pagtanggap ng mga guro sa E-modyul sa pagtuturo ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 na may teknolohiyang Augmented Reality. Sa karagdagan, ang tagapagpahiwatig na “Ang e-modyul ay naglalaman ng wastong impormasyon tungkol sa paksa.” ang nakakuha ng pinakamataas na mean na 3.95 na may berbal na interpretasyon na Lubos na katanggap-tanggap. Samantala ang tagapagpahiwatig na “Ang mga pamimilian ay may pagkakarapareho sa kahulugan subalit may iba’t ibang mapanuring gamit” ang nakakuha ng pinakamababang mean na 3.75 at may berbal na interpretasyon na Lubos na katanggap-tanggap. Talahanayan 2.2.2 Pagtataya sa Antas ng Pagtanggap ng mga Guro ng E-modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 ng mga Mag-aaral batay sa Katumpakan Tagapagpahiwatig ayon sa Katumpakan X VI 1. Ang E-modyul ay naglalaman ng wastong impormasyon tungkol sa paksa. (E-module contains correct information about the topic) 3.95 LK 2. Ang E-modyul ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na makapili nang pinaka-angkop na kasagutan. (E-module provides learners the best choices for their answers) 3.85 LK 3. Ang mga pamimilian ay may pagkakarapareho sa kahulugan subalit may iba’t ibang mapanuring gamit. (Choices reflect a certain degree of similarity in meaning but have distinct syntactic uses) 3.75 LK
989 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com 4. Ang E-modyul ay tiyak at malinaw ang paglalahad ng impormasyon. (The E-module presents information precisely and clearly) 3.80 LK 5. Ang E-modyul ay naaayon sa pagkakasunod-sunod ng mga konsepto. (The e-module is consistent with the sequence of concepts) 3.85 LK Pangkalahatang Pagtatasa 3.84 LK Legend: 3.26 – 4.00 Lubos na Katangap-tanggap (LK) 2.51 – 3.25 Mas Katangap-tanggap (MK) 1.76 – 2.50 Katangap-tanggap (K) 1.00 – 1.75 Hindi Katangap-tanggap (HK) Natiyak na ang nabuong E-modyul na may teknolohiyang Augmented Reality sa asignaturang Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ayon sa Katumpakan ay nakapagsaad ng Lubos na Katanggap-tanggap sa pagtatasa ng mga guro sa Asignaturang Filipino. Ang nilikhang e-modyul ay nagpakita ng mas mataas na antas ng pagtanggap ayon sa katumpakan nito na nagpatunay sa integridad at kredibilidad, mga mahalagang salik sa makabago at dekalidad na edukasyon. Ito ay naging daan upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto at impormasyon na tinatalakay sa kanilang pag-aaral. Naglalaman ito ng tamang datos hinggil sa paksa at nagbibigay ng mga tanong na nag-uudyok sa mga mag-aaral na pumili ng pinakaangkop na sagot batay sa pagsusuri. Bagamat magkatulad sa kahulugan ang mga pagpipilian, bawat isa ay may natatanging gamit na kinakailangang malalim ang pagunawa. Bukod dito, ang mga impormasyong inilahad sa e-modyul ay malinaw, tiyak, at inayos sa isang lohikal na pagkakasunud-sunod na mas madaling sundan ng mga magaaral. Tinalakay naman ni Xu (2023), na ang katumpakan at kaugnayan ng mga kagamitang panturo ay may mahalagang papel sa pagpapataas ng partisipasyon ng mga mag-aaral at pagpabuti ng kanilang mga resulta sa pagkatuto. Sa isinagawang pag-aaral nina Kholiduni’am et al. (2023), na mahalagang mapanatili ang balanse sa pagitan ng disenyo at katumpakan sa pagbuo ng mga emodyul upang matiyak ang epektibong pagkatuto. Ang mahusay na disenyo na binubuo ng malinaw na navigation, kaakit-akit na biswal, at mga interaktibong mga element ay nakatutulong upang mapanatili ang atensyon at motibasyon ng mga mag-aaral. Samantala, ang tumpak na nilalaman ay nagsisiguro na ang mga impormasyong inihahatid ay tama, napapanahon, at kaakibat ng mga layunin ng kurikulum. Sa ganitong paraan, naisasabuhay ang prinsipyo ng malayang katumpakan, isang balanseng ugnayan ng pagiging kapaki-pakinabang at kapani-paniwala. Sa ganitong pagkakataon ang mga mag-aaral ay hindi lamang natututo mula sa maayos na presentasyon, kundi mula rin sa tiyak, makabuluhan, at mapagkakatiwalaang nilalaman. Dahil dito, mas napahusay ang kanilang karanasan sa pagkatuto at agad na natutugunan ang tunay na layunin ng edukasyon sa digital na panahon.
990 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com 2.2.3 Kaangkupan Ang Kaangkupan ay nakapagtala ng Lubos na Katanggap-tanggap (3.68) sa antas ng pagtanggap ng mga guro sa E-modyul sa pagtuturo ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 na may teknolohiyang Augmented Reality. Bilang karagdagan, ang mga tagapagpahiwatig na “Ang mga Gawain ay nagkakaiba-iba ayon sa ugali at kakayahan ng mga mag-aaral”, “Ang mga gawain ay akma sa paksa”, “Ang mga Gawain ay may kaugnayan, nagbibigay ng interes at nakagaganyak ng mag-aaral”, at “Ang mga salitang ginamit sa bokabularyo ay angkop sa lebel ng mag-aaral” ang nakakuha ng parehas na pinakamataas na mean na 3.70 na may berbal na interpretasyon na Lubos na katanggap-tanggap. Samantala, “Ang paggamit ng karagdagang Gawain ay angkop sa bilang ng mag-aaral” ang nakakuha ng pinakamababang mean na 3.60 at may berbal na interpretasyong Lubos na katanggaptanggap. Talahanayan 2.2.3 Pagtataya sa Antas ng Pagtanggap ng mga Guro ng E-modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 ng mga Mag-aaral batay sa Kaangkupan Tagapagpahiwatig ayon sa Kaangkupan X VI 1. Ang mga Gawain ay nagkakaiba-iba ayon sa ugali at kakayahan ng mga mag-aaral. (Activities consider the varying attitudes and capabilities of the learner) 3.70 LK 2. Ang mga gawain ay akma sa paksa. (Activities are appropriate to the subject matter) 3.70 LK 3. Ang mga Gawain ay may kaugnayan, nagbibigay ng interes at nakagaganyak ng mag-aaral. (Activities are relevant, interesting, and self-motivating to the learner) 3.70 LK 4. Ang paggamit ng karagdagang Gawain ay angkop sa bilang ng mag-aaral. (Use of enrichment activity is adaptable to classes with large number of learners) 3.60 LK 5. Ang mga salitang ginamit sa bokabularyo ay angkop sa lebel ng mag-aaral. (Language of the e-module is within the vocabulary range of the target learners) 3.70 LK Pangkalahatang Pagtatasa 3.68 LK Legend: 3.26 – 4.00 Lubos na Katangap-tanggap (LK) 2.51 – 3.25 Mas Katangap-tanggap (MK) 1.76 – 2.50 Katangap-tanggap (K) 1.00 – 1.75 Hindi Katangap-tanggap (HK) Batay sa talahanayan, ang nabuong E-modyul na may teknolohiyang Augmented Reality sa asignaturang Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ayon sa Kaangkupan ay nakapagpamalas ng Lubos na Katanggap-tanggap sa pagtatasa ng mga guro sa Asignaturang Filipino. Ang nilikhang e-modyul nagpakita ng kaangkupan ng mga nilalaman at gawain na tumutugon sa iba’t ibang pangangailangan, kakayahan, at interes ng mga mag-aaral. Ang mga aktibidad ay maingat na inangkop sa paksa, naaayon
991 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com sa dami ng mag-aaral, at dinisenyo upang maging makabuluhan at kapana-panabik para sa mga kalahok. Bukod dito, ang gamit ng wika at bokabularyo ay tinutugma sa antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral, kaya’t nagiging mas epektibo ang proseso ng pagkatuto. Sa pag-aaral nina Parwata et al. (2023), inilatag na ang mga gawaing pampagkatuto na nakaayon sa binagong taksonomiya ni Bloom ay lubhang nakatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang metakognitibo ng mga mag-aaral at sa pagtaas ng kanilang antas ng pagkatuto. Sumasang-ayon naman sina Udin et al. (2022), na ang mga gawaing ito na muling dinisenyo batay sa taksonomiya ni Bloom, ay hindi lamang nagpapalawak sa metakognitibong kakayahan ng mga mag-aaral pero nagbubunga rin ng mas makabago at mas malawak na bunga ng pagkatuto. Kapansin-pansin na ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng tiwala sa sarili at determinasyong matuto nang seryoso dahil sa pagkakaroon nila ng malinaw na layunin at direksyon sa bawat gawaing pang-akademiko. Pinatotohanan ito, binigyang-diin nina Murillo-Zamorano et al. (2021), na ang mga gawaing nakabatay sa aktibong pagkatuto ay nakatutulong upang lubos na maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang potensyal. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon sila ng mas makabuluhang interaksyon sa nilalaman ng aralin at nakapagtamo ng mas mataas na antas ng pag-unawa at kasanayan. Kapag ang mga aktibidad sa loob ng silid-aralan ay wasto ang pagkakatugma sa layunin ng aralin at sa kakayahan ng mga mag-aaral, mas nagiging makabuluhan, epektibo, at nakaaangat sa kalidad ang edukasyong kanilang natamo. 2.2.4 Kagamitan Ang Kagamitan ay nakakuha ng Lubos na Katanggap-tanggap (3.73) sa antas ng pagtanggap ng mga guro sa E-modyul sa pagtuturo ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 na may teknolohiyang Augmented Reality. Sa bahaging ito, ang tagapagpahiwatig na “Ang tekstong kasanayan ay nagbibigay ng wastong impormasyon ayon sa paksang ipinahayag” ang nakakuha ng pinakamataas na mean na 3.80 na may berbal na interpretasyon na Lubos na katanggaptanggap. Samantala, “Ang kagamitan ay nagbibigay ng pagkakataon para mahubog ang kasanayan sa pagsasalita/pakikipag-usap” ang nakakuha ng pinakamababang mean na 3.65 at may berbal na interpretasyon na Lubos na katanggap-tanggap.
992 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com Talahanayan 2.2.4 Pagtataya sa Antas ng Pagtanggap ng mga Guro ng E-modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 ng mga Mag-aaral batay sa Kagamitan Tagapagpahiwatig ayon sa Kagamitan X VI 1. Ang kagamitang inihanda ay nagpapaisip at nagpapasuri ng mga kritikal na paksa. (Material prepares the learners to think logically and critically) 3.75 LK 2. Ang konsepto sa mga kagamitan ay pangkaraniwan at komprehensibo. (Concepts in the material are simple and comprehensible) 3.70 LK 3. Ang mga kagamitan ay nakadaragdag ng kasanayan sa pagunawa at pagbasa. (Material enhances the learner’s comprehension and reading skills) 3.75 LK 4. Ang kagamitan ay nagbibigay ng pagkakataon para mahubog ang kasanayan sa pagsasalita/pakikipag-usap. (Material provides opportunity for the development of language skills.) 3.65 LK 5. Ang tekstong kasanayan ay nagbibigay ng wastong impormasyon ayon sa paksang ipinahayag. (Learning contents provide adequate information of the topics presented) 3.80 LK Pangkalahatang Pagtatasa 3.73 LK Legend: 3.26 – 4.00 Lubos na Katangap-tanggap (LK) 2.51 – 3.25 Mas Katangap-tanggap (MK) 1.76 – 2.50 Katangap-tanggap (K) 1.00 – 1.75 Hindi Katangap-tanggap (HK) Natuklasan na ang nabuong E-modyul ayon sa Kagamitan ay nakapagpakita ng Lubos na Katanggap-tanggap sa mga guro sa Asignaturang Filipino. Alinsunod sa mga natuklasan, ang paggamit ng e-modyul na may kasamang teknolohiyang Augmented Reality ay naging epektibong kagamitan pagkatuto at pagtuturo. Mahalaga ang papel ng mga kagamitang ginamit na ito na kasama sa nabuong e-modyul sapagkat ang mga ito ay dinisenyong humubog sa mas malalim na pag-unawa at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto. Ang mga inihandang materyal ay hindi lamang nagpapalawak ng kaalaman kundi nagsisilbing daan upang mapalalim ang kakayahan sa pagsusuri at pag-iisip hinggil sa mga kritikal na paksa. Gamit ang mga konseptong malinaw, praktikal, at madaling maiugnay sa tunay na buhay, nagiging mas komprehensibo ang pagtalakay sa mga aralin. Bukod pa rito, ang mga kagamitan ay epektibong nakatutulong sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa, pag-unawa, at pakikipagtalastasan na pawang mahalagang aspekto ng mabisang komunikasyon. Ang mga tekstong kasanayang kalakip ng e-modyul ay naglalaman ng tumpak at napapanahong impormasyon na nakaangkla sa layunin ng bawat aralin, na siyang nagsisilbing pundasyon sa mas makabuluhang pagkatuto. Kaya naman, ang nabuong emodyul ay isang mahalaga at makabuluhang kagamitan o kasangkapan sa pagkatuto at pagtuturo.
993 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com Pinagtibay nina Uma’iyah et al. (2023), na ang mga e-modyul na nakabatay sa mobile learning applications ay napatunayang lubhang praktikal bilang mga kagamitang panturo. Bukod sa pagiging madaling gamitin, natuklasan din na ang mga ito ay epektibong nakapagpapahusay sa kasanayan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip. Sa parehong pananaw, pinagnilayan din nina Sufianti at Nurdyansyah (2023), na ang mga e-modyul ay isang praktikal, kawili-wili, at mabisang midyum ng pagkatuto na tumutulong sa pagpapatibay ng batayang kaalaman sa pagbasa, pagsusulat, at pagbibilang ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng ganitong uri ng kagamitan ay hindi lamang nakatutugon sa teknolohikal na interes ng mga mag-aaral, gayundin ay nakatutulong din ito upang mapalawak ang kanilang pag-unawa sa mga aralin. Sa pamamagitan ng interaktibong nilalaman at makabagong estratehiya ng e-modyul, mas nagiging masigla ang partisipasyon ng mga mag-aaral at mas napapadali ang pagkatuto kahit sa labas ng silid-aralan. 2.2.5 Kahusayan Talahanayan 2.2.5 Pagtataya sa Antas ng Pagtanggap ng mga Guro ng E-modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 ng mga Mag-aaral batay sa Kahusayan Tagapagpahiwatig ayon sa Kahusayan X VI 1. Ang E-modyul ay mabilisang nasasagot. (E-module quickly responds) 3.75 LK 2. Ang E-modyul ay mahusay na gumagamit ng mga mapagkukunan. (E-module utilizes the resources efficiently) 3.75 LK 3. Ang E-modyul ay naisasagawa ayon sa angkop na panahon. (E-module utilizes the given time efficiently) 3.65 LK 4. Ang E-modyul ay may kaaangkupan ang mga pagsasanay sa inilahad na paksa. (The E-module has exercises appropriate to the presented topic.) 3.80 LK 5. Ang E-modyul ay angkop sa malalaking bilang ng mag-aaral. (The E-module is suitable for large student numbers) 3.70 LK Pangkalahatang Pagtatasa 3.73 LK Legend: 3.26 – 4.00 Lubos na Katangap-tanggap (LK) 2.51 – 3.25 Mas Katangap-tanggap (MK) 1.76 – 2.50 Katangap-tanggap (K) 1.00 – 1.75 Hindi Katangap-tanggap (HK) Ang Kahusayan ay nakakuha ng Lubos na Katanggap-tanggap (3.73) sa antas ng pagtanggap ng mga guro sa E-modyul sa pagtuturo ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang-11 na may teknolohiyang Augmented Reality. Sa karagdagan, ang tagapagpahiwatig na “Ang E-modyul ay may kaaangkupan ang mga pagsasanay sa inilahad na paksa” ang nakakuha ng pinakamataas na mean na 3.80 na may berbal na interpretasyon na Lubos na katanggaptanggap. Samantala, “Ang E-modyul ay naisasagawa ayon sa angkop na panahon” ang
994 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com nakakuha ng pinakamababang mean na 3.65 at may berbal na interpretasyon na Lubos na katanggap-tanggap. Ipinahiwatig ng mga resultang ito, ang nabuong e-modyul ayon sa Kahusayan ay nakapagpatunay ng Lubos na Katanggap-tanggap sa mga guro sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa wik at Kulturang Pilipino. Batay sa kinalabasan, ang paggamit ng e-modyul na may kasamang teknolohiyang Augmented Reality ay tunay na epektibong nakapagpataas ng antas ng kahusayan ng kagamitang panturo at pagkatuto. Mahalaga ang mga kagamitang taglay ng nabuong e-modyul sapagkat ito ay nakatutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng makabagong pagkatuto sapagkat mabilis itong nasasagutan, mahusay na nakikinabang sa iba’t ibang mapagkukunang impormasyon, at naisasagawa sa loob ng itinakdang oras, maging ang mga pagsasanay na kasama sa e-modyul ay maingat na iniakma sa paksang tinatalakay, kaya’t nagiging mas epektibo ito sa pagpalawak ng kaalaman. Ang e-modyul ay tumugma rin sa pangangailangan ng mas malaking bilang ng mag-aaral na nagbigay-daan sa mas malawak at inklusibong saklaw ng edukasyon. Sa kabuoan, ang mga kagamitang ito ay hindi lamang nagpadali ng pagkatuto kundi nagbibigay din ng sistematikong gabay tungo sa mas makahulugang karanasan sa pag-aaral. Sa pagsisiyasat nina Puspaningtyas et al. (2024), lumabas na ang paggamit ng interaktibong e-modyul na nakabatay sa mobile learning ay may malaking ambag sa pagpahusay ng bisa ng pagkatuto at sa pagpalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral. Sa kabilang banda, natuklasan nina Zalukhu et al. (2023), na ang pagbuo ng emodyul gamit ang 3D Pageflip Professional na software ay kapaki-pakinabang, praktikal, at epektibo sa pagtuturo. Sa pagsasanib ng makabagong teknolohiya at edukasyon, ang mga interaktibong e-modyul ay nagsilbing mabisang kasangkapan sa pagkamit ng kahusayan sa pagkatuto. Idinagdag pa nina Kurniawan et al. (2023), na ang e-modyul ay nakatutulong upang masigurong maayos at magkakaugnay na nasusundan ng mga mag-aaral ang aralin, kahit pa sa mga klase na may malaking bilang ng estudyante. Higit sa pagiging alternatibo, nagiging daan ito upang mas mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral, mapaunlad ang kanilang kasanayan, at mapataas ang antas ng kanilang pagganap. Sa ganitong paraan, ang paggamit ng teknolohiya sa edukasyon ay nagiging mahalagang hakbang tungo sa mataas na kalidad ng pagkatuto. Ikatlong Layunin. Pauna at Panapos na Pagtataya ng mga Mag-aaral ng Baitang-11 STEM Engineering hinggil sa nabuong ng E-modyul na may Teknolohiya ng Augmented Reality sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ang mga pauna at panapos na pagtataya ay dinisenyo upang masukat ang antas ng pag-unlad ng kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa isang tiyak na paksa. Sa pamamagitan ng paghahambing ng kanilang paunang kaalaman at ng natutunan matapos ang paggamit ng e-modyul, nagiging malinaw ang epekto ng mga gawaing pampagkatuto. Layunin nitong tukuyin kung gaano kaepektibo ang mga inilahad na aralin
1001 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com pagbabago batay sa puna ng guro at mag-aaral, pagbabago sa kurikulum, at pag-usbong ng bagong teknolohiya upang mapanatiling kapaki-pakinabang at angkop ang materyal. Ikatlo, mainam na magsagawa ng mas malawak na pananaliksik na may mas malaking bilang ng kalahok at saklaw ng implementasyon, kabilang ang iba’t ibang istrand at antas ng pag-aaral. Makabubuti ring magkaroon ng paghahambing sa ibang uri ng digital o tradisyunal na kagamitang panturo upang higit na masukat ang kahusayan ng ESTAR. Panghuli, isaalang-alang ang pagbuo ng mga susunod na bersyon ng ESTAR na nakatuon sa iba pang antas ng baitang, o nakahanay sa mga pagbabago ng makabagong kurikulum upang mas lalong mapalawak ang saklaw at kapakinabangan nito sa iba’t ibang larangan at pangkat ng mag-aaral. Compliance With Ethical Standards Sa kabuoan ng pag-aaral, tiniyak ng mananaliksik na nasunod ang mga etikal na pamantayan ng paaralan gayundin ang mga etikal na aspekto ng buong pananaliksik. Maingat na tiniyak na ang mga mag-aaral at guro ay kusang-loob na lumahok sa pananaliksik matapos bigyan ng sapat na paliwanag hinggil sa layunin nito. Pagkatapos nito, nakuha ang kanilang pahintulot alinsunod sa wastong proseso. Bukod pa rito, ang kanilang mga personal na impormasyon ay itinaguyod at pinrotektahan batay sa Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012, na nagtakda ng mga hakbang upang mapanatili ang seguridad ng kanilang datos. Tanging mga impormasyong may kaugnayan lamang sa pananaliksik ang nakolekta, at hindi isinama ang anumang sensitibong detalye na walang kaukulang pahintulot. Gumamit din ang mananaliksik ng iba’t ibang teknolohikal na kasangkapan upang mapadali ang pagsusuri at presentasyon ng datos at nilalaman ng nabuong E-modyul. Kabilang dito ang MyWebAR para sa augmented reality (AR), pati na rin ang mga AI tools gaya ng Microsoft Copilot, Gemini, Elicit, at Connected Papers upang mapalawak ang pagsusuri at pagsusulat ng pananaliksik. Ginamit din ang Canva para sa disenyo ng mga e-modyul at Google sites para sa digital na presentasyon o salalayan ng mga nabuong e-modyul. Sa karagdagan, ginamit din bilang batayan sa pagbuo ng nilalaman ng aralin at ng ilang gawain sa nabuong e-modyul ang Quipper Study Guide. Ginamit ang Quipper Study Guide sapagkat ito ang pangunahing platapormang ginagamit ng mga guro at mag-aaral sa Caritas Don Bosco School. Sa pamamagitan nito, nasiguro ng mananaliksik na ang nilalaman ng aralin ay nakaangkla sa aktuwal na ginagamit na mga materyales ng paaralan, kaya’t mas naging angkop at kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral ang mga nabuong e-modyul. Ang mga aktibidad at nilalaman ay nakaugat sa makabuluhang konteksto ng pagtuturo at pagkatuto alinsunod sa kurikulum. Kaugnay nito, ang mga larawan ay binuo at kinuha mula sa META AI, ang mga bidyo ay mula sa YouTube at hiniling ang pahintulot ng mga may-ari bago gamitin, samantalang ang mga 3D na biswal ay hango mula sa Sketchfab. Ang mga ito ay hindi
1002 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com pagmamay-ari ng mananaliksik, kundi ginamit lamang para sa natatanging layunin ng pananaliksik. Sinunod ang tamang proseso ng pagkilala sa mga pinanggalingan ng materyales at tiniyak na ang paggamit ng anumang teknolohiya o software ay hindi lumabag sa mga batas ng pagmamay-aring pangkaisipan maging sa mga prinsipyo ng etikal na pananaliksik. Higit pa rito, sinunod ng mananaliksik ang wastong paraan ng pagsipi sa lahat ng kaugnay na pag-aaral at literatura upang maiwasan ang anumang uri ng plagiarism. Sa ganitong paraan, nabigyang-pagkilala ang mga orihinal na may-akda. Bilang gabay, gumamit din ang mananaliksik ng LCBA Research Manual upang masiguro na ang pananaliksik ay alinsunod sa itinakdang pamantayan at metodolohiya ng paaralan. Sa kabuoan, isinagawa ang pananaliksik na ito nang may mataas na antas ng integridad, mahigpit na pagsunod sa mga etikal na prinsipyo, at may paggalang sa mga karapatan ng lahat ng kalahok, pati na rin ng mga orihinal na awtor ng ginamit na literatura. Pasasalamat Nais ng mananaliksik na mag-alay ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga taong nagdagdag sa pag-unlad ng gawaing pananaliksik na ito. Bilang pagpapakita ng mataas na paggalang at pagkilala, nais niyang pasalamatan ang tulong na naipagkaloob sa kanya. Dr. Anacleta M. Cabigao, tagapayo sa pananaliksik, para sa kanyang walang kapantay na dedikasyon at serbisyo. Ang kanyang propesyonal na impluwensiyang nagpakita ng mataas na antas ng integridad, kasanayan, at pagbibigay ng makabuluhang puna ay nagtulak sa mananaliksik na magsikap nang husto at magpatuloy sa pag-aaral. Dagdag pa rito, ang kanyang walang sawang suporta at mga mapanuring suhestiyon ay naging mahalagang gabay sa pagharap sa mga hamon at paglinang ng mga ideya, na nagbigay daan upang makamit ang pinakamainam na resulta sa pananaliksik; Dr. Alfredo G. Perez Jr., kasalukuyang dekano ng LCBA School of Graduate Studies, para sa patuloy na tulong at paggabay na nagbigay-liwanag sa direksyon ng pananaliksik na ito. Sa kanyang malawak na karanasan at pang-unawa sa larangan ng edukasyon ay nagsilbing gabay sa bawat hakbang ng proseso, at ang kanyang mga estratehikong pananaw ay nagbigay ng kalinawan sa direksyon ng pananaliksik; Dr. Ma. Lorena M. Tagala, Patnugot ng Pananaliksik ng LCBA School of Graduate Studies, para sa kanyang mahalagang mga payo, at direksyon na nagbigay-liwanag sa proseso ng pananaliksik. Sa kanyang mga mahuhusay na suhestiyon at kritikal na pagsusuri ay nagsilbing pagninilay at pagpapalawak ng mga ideya, na nagpatibay sa kalidad at kredibilidad ng buong pananaliksik; Dr. Diosdado M. Melanio, tagapangulo ng asignaturang Filipino sa Paaralang Gradwado, para sa kanyang hindi matatawarang kaalaman at gabay na naging pangunahing ambag sa paglinang ng paksang ito. Nagbigay ng mahalagang tulong sa pagsasaayos ng gramatika, pati na rin sa pagpapahusay ng mga salita at estruktura ng pananaliksik. Ang kanyang mga tumpak na puna at pagpapayo ukol sa wika ay nagbigay pa ng mas mataas na kalidad sa bawat bahagi ng pananaliksik at nagpatibay sa
1003 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com kagandahan ng pagsulat. Ang kanyang masusing pagsusuri at mga kontribusyon ay nagsilbing isang mahalagang hakbang sa pagpapalawak at pagpapalalim ng nilalaman ng pag-aaral; Dr. Eulalia M. Javier., Istatistisyan ng mananaliksik, para sa kanyang mahalagang kontribusyon sa paggawa ng istatistikal na pagsusuri, pag-aanalisa at paglalapat sa pagaaral pati na rin sa pagbibigay ng mga naayos na datos at mga resulta ng pananaliksik; Sa kanyang nobyo, G. Thomson L. Guianan, para sa patuloy na suporta, pagmamahal, at paghikayat na makamit ang layunin ng pag-aaral na ito; Sa kanyang mga Magulang at Kapamilya, para sa walang hanggang pagmamahal, inspirasyon, at suporta, pinansyal, emosyonal, at espiritwal na naging matibay na sandigan ng mananaliksik sa bawat hamon ng pag-aaral; At higit sa lahat, sa Panginoong Diyos, na siyang pinagmumulan ng lakas, karunungan, at inspirasyon, para sa patuloy na paggabay at pagbibigay ng masaganang biyaya sa kabila ng lahat ng hamon. Buong pagpapakumbaba at pasasalamat na iniaalay ng mananaliksik ang tagumpay ng pag-aaral na ito para sa kanyang kaluwalhatian. REFERENCES Abuhassna, H., Alnawajha, S., Awae, F., Adnan, M. A. B. M., & Edwards, B. I. (2024). Synthesizing technology integration within the Addie model for instructional design: A comprehensive systematic literature review. Journal of Autonomous Intelligence, 7(5), 1-28. https://doi.org/10.32629/jai.v7i5.1546 Akhtar, N., Begum, J. & Sonaina.(2022). Focusing Curriculum Alignment to Enhance Student Learning Outcomes: Implications for English Language Teachers at Secondary level. Global Educational Studies Review, VII, 110-123. https://doi.org/10.31703/gesr.2022(vii-iii).10 Angulo, J. C. L. (2023). The importance of instruction-giving to better students’ performance of class activities in English lessons. Ciencia Latina Revista Científica Multidisciplinar, 7(3), 3449-3464. https://doi.org/10.37811/cl_rcm.v7i3.6419 Chen, D., & Srimadona, A. (2023). Development of Electronic Modules Using Professional Pdf Flip on Measurement Materials. EduFisika: Jurnal Pendidikan Fisika, 8(1), 95-100. https://doi.org/10.59052/edufisika.v8i1.22559 Chen, X., & Lu, L. (2022). How classroom management and instructional clarity relate to students' academic emotions in Hong Kong and England: A multi-group analysis based on the control-value theory. Learning and Individual Differences, 98(102183), 1–11. https://doi.org/10.1016/j.lindif.2022.102183 Gilana, A., & Marbella, F. (2023). E-Gramatika: Elektronikong modyul sa pagtuturo ng balarilang Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 12(8), 25-45. https://doi.org/10.5861/ijrse.2023.61 Govindasamy, P., Abdullah, N., & Ibrahim, R. (2023). Employing Modified Design and Development Research (DDR) Approach to Develop Creativity Clay Module to Teach Special Educational Needs (SEN) Students with Learning Disabilities.
1004 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com International Journal of Academic Research in Business and Social Sciences, 13(3), 1-17. http://dx.doi.org/10.6007/IJARBSS/v13-i3/15773 Guianan, T. L. (2024). TITO: Ang Nabuong Tasadong Interaktibong Talakayang Oplan Para Sa Baitang 11. Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research, 2(6), 1185-1212. https://doi.org/10.5281/zenodo.11648473 Guo, D., Xu, W., Ding, W., Yao, Y., Wang, X., Pedrycz, W., & Qian, Y. (2024). Conceptcognitive learning survey: Mining and fusing knowledge from data. Information Fusion, 109, 102426. https://doi.org/10.1016/j.inffus.2024.102426 Hristov, S., Nakov, D., & Miočinović, J. (2023). Constructive Alignment between Objectives, Teaching And Learning Activities, Student Competencies And Assessment Methods In Higher Education. Journal of Agriculture and Plant Sciences, 21(2), 21–36. https://doi.org/10.46763/japs23212021h Indrašienė, V., Jegelevičienė, V., Merfeldaitė, O., Penkauskienė, D., Pivorienė, J., Railienė, A., & Sadauskas, J. (2023). Critical reflection in students’ critical thinking teaching and learning experiences. Sustainability, 15(18), 13500. https://doi.org/10.3390/su151813500 Jelešković, E. (2023). Learning about teaching: the role of reflection in the work of English language teachers. Post Scriptum, 12(13), 98–110. https://doi.org/10.52580/issn.2232-8556.2023.12.13.98 Juancho, C. (2021). Makabagong Pamamaraan sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino: Pagtataya sa Teknolohikal, Pedagohikal at Kaalamang Pangnilalaman. In Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development (Vol. 9, Issue 1, pp. 1–11) [Journal-article]. Retrieved from: https://research.lpubatangas.edu.ph/wpcontent/uploads/2022/02/APJMSD-202101-001a.pdf Juliani, E., & Winarsih, M. (2023). Measuring the Learning Model’s Effectiveness in the Medical Surgical Nursing course. Gaceta Médica de Caracas, 131(S1). https://doi.org/10.47307/gmc.2023.131.s1.5 Khan, W. A., Rauf, A., Masud, M. A. U., & Akbar, T. (2024). Relationship among Secondary School Students’ Physics Academic Achievement Scores, Conceptual Knowledge and Problem-Solving Skills. Futurity of Social Sciences, 2(1), 56-71. https://doi.org/10.57125/fs.2024.03.20.03 Kholiduni’am, Y., Supandi, S., & Wijonarko, W. (2023). Pengembangan Bahan Pembelajaran E-Modul Dasar Perakitan Komputer dalam Mata Pelajaran Informatika. Journal of Research and Investigation in Education, 82–86. https://doi.org/10.37034/residu.v1i3.155 Kurniawan, B. R., Rahmawati, I., & Fawaiz, S. (2023). E-Module implementation by using Feature-Lesson-Based of Moodle in Physics learning multimedia practices for students of prospective physics teacher. Jurnal Pendidikan Fisika Indonesia, 19(1), 76–88. https://doi.org/10.15294/jpfi.v19i1.37176 Liu, M., & Yun, H. (2024). Learning Goal Formulation Strategies in the Teachinglearning-assessment Alignment. Journal of Education and Educational Research, 9(1), 224-226. https://doi.org/10.54097/eyr5s444 Maison, M., Kurniawan, D. A., Wirayuda, R. P., & Chen, D. (2022). Process SkillsBased E-Module: Impact On Analytical Thinking Skills. Jurnal Penelitian & Pengembangan Pendidikan Fisika, 8(1), 23-34. https://doi.org/10.21009/1.08103
1005 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com Murillo-Zamorano, L. R., Sánchez, J. Á. L., Godoy-Caballero, A. L., & Muñoz, C. B. (2021). Gamification and active learning in higher education: is it possible to match digital society, academia and students’ interests? International Journal of Educational Technology in Higher Education, 18(1). https://doi.org/10.1186/s41239-021-00249-y Parwata, I. G. A. L., Jayanta, I. N. L., & Widiana, I. W. (2023). Improving Metacognitive Ability and Learning Outcomes with Problem-Based Revised Bloom’s Taxonomy Oriented Learning Activities. Emerging Science Journal, 7(2), 569–577. https://doi.org/10.28991/esj-2023-07-02-019 Puspaningtyas, M., Anugrahani, I. S., & Makaryanawati. (2024). Effectiveness of interactive E-Module based on mobile learning in Management Accounting Course: Profit Planning and Performance Evaluation. KnE Social Sciences. https://doi.org/10.18502/kss.v9i4.15059 Sana, F., & Carpenter, S. K. (2023). Broader benefits of the pretesting effect: Placement matters. Psychonomic Bulletin & Review, 30(5), 1908–1916. https://doi.org/10.3758/s13423-023-02274-6 Santos-Meneses, L. F., Pashchenko, T., & Mikhailova, A. (2023). Critical thinking in the context of adult learning through PBL and e-learning: A course framework. Thinking Skills and Creativity, 49, 101358. https://doi.org/10.1016/j.tsc.2023.101358 Sufianti, M., & Nurdyansyah, N. (2023). Calistung E-Module Innovation for strengthening basic Literacy and Numeracy student. Jurnal Ilmiah Sekolah Dasar, 7(2), 236–248. https://doi.org/10.23887/jisd.v7i2.55833 Szczepek Reed, B. (2023). ‘Go on keep going’: The instruction of sustained embodied activities. Discourse Studies, 25(5), 692-717. https://doi.org/10.1177/14614456231153578 Tallud, N. S. M., & Caballes, N. D. G. (2023). Bridging the gap of Jose Magsaysay elementary school learners in numeracy: Makati localized numeracy assessment tool for stage 1 (Grades 1-3). World Journal of Advanced Research and Reviews, 17(2), 678–685. https://doi.org/10.30574/wjarr.2023.17.2.0289 Tuazon, F. (2024, October 10). Angara warns against technology’s slow integration to education. PeopleAsia. Retrieved from: https://peopleasia.ph/angara-warnsagainst-technologysslow-integration-to-education/ Udin, T., Maufur, S., & Riyanto, O. R. (2022). Student’s Self‐Efficacy and Perceptions of Online Learning on the Use Learning Management System. Journal of Education Technology, 6(1), 165–172. https://doi.org/10.23887/jet.v6i1.41884 Uma’iyah, N., Wahyuni, S., & Nuha, U. (2023). Development of E-Modules based on mobile learning applications to improve students’ critical thinking skills in science subject. JPPS (Jurnal Penelitian Pendidikan Sains), 12(2), 122–137. https://doi.org/10.26740/jpps.v12n2.p122-137 Xu, X. (2023). Revolutionizing education: Advanced machine learning techniques for precision recommendation of Top-Quality instructional materials. International Journal of Computational Intelligence Systems, 16(1). https://doi.org/10.1007/s44196-023-00361-z Yun, G. (2024). A Study on the Learning Process and Evaluation Characteristics with High and Low Learning Effects: Focusing on the Experience of Prospective
1006 Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research Vol 3 No 11 November 2025 www.icceph.com Instructors. Korean Association For Learner-Centered Curriculum and Instruction. https://doi.org/10.22251/jlcci.2024.24.9.173 Zalukhu, J., Waruwu, L., & Ndruru, M. (2023). Pengembangan E-Modul Menggunakan Aplikasi 3D Pageflip Professional Materi Teks Biografi di Kelas X SMK Negeri 2 Alasa. Indo-MathEdu Intellectuals Journal, 4(2), 588–597. https://doi.org/10.54373/imeij.v4i2.215 Zhang, J., Li, G., Huang, Q., Feng, Q., & Luo, H. (2022). Augmented reality in K–12 education: A systematic review and meta-analysis of the literature from 2000 to 2020. Sustainability, 14(15), 9725. https://doi.org/10.3390/su14159725 Zhao, L., Zhao, B. & Li, C. Alignment analysis of teaching–learning-assessment within the classroom: how teachers implement project-based learning under the curriculum standards. Discip Interdscip Sci Educ Res 5, 13 (2023). https://doi.org/10.1186/s43031-023-00078-1